Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dating aktres, nakalulula ang yaman
Dating aktres, nakalulula ang yaman

Dating aktres, nakalulula ang yaman

KAMAKAILAN ay nag-imbita ang isang dating aktres na mag-bonding sila ng kanyang mga kaibigan sa kolehiyo.

Pinaunlakan naman ng hindi hihigit sa isang dosenang former classmates ang kanyang paanyaya, at a dinner held sa isang magarbong function room somewhere in the eastern part of Metro Manila.

Sey ng isa sa kanyang mga panauhin, “Ang yaman-yaman na pala ni (pangalan ng dating aktres na dyowa ng isang actor-turned-politician!”

Nang tanungin kung bakit niya ito nasabi, sagot nito: “Imadyin, ‘yun palang pinagdausan ng dinner namin, eh, dining hall ng isa sa apat na building na pagmamay-ari niya! Hay, naku, ikaw na ang maging dyowa ng isang politiko na minsan nang nasangkot sa panungurakot!”

Da who ang former actress na itey na may dyunakis na nakadyontis sa isang semi-retired mestiza actress? Itago na lang natin siya sa alyas na Lani Manrique.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top