Wednesday , July 17 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bayani Agbayani, never mangungurakot
Bayani Agbayani, never mangungurakot

Bayani Agbayani, never mangungurakot

HINDI pa man ay gusto na naming papurihan si Bayani Agbayani sa kanyang prinsipyo sa buhay na dapat ay tinataglay ng mga artistang gustong pumalaot sa politika.

Sa isa kasing event ay natanong ang komedyante kung naiimadyin ba niya ang kanyang sarili na kabilang sa mundo ng politics.

Bagama’t wala namang tinukoy na elective (o appointive) post si Bayani that he wishes to occupy in the future ay malinaw ang kanyang posisyon: never siyang magiging corrupt.

Masarap pakinggan ang mga katagang ‘yon, ‘yun nga lang, isn’t that what everybody practically says, pero kapag nasa kapangyarihan na’y mababalitaan na lang nating sangkot sa mga maa­no­malyang isyu?

Ani Bayani, hindi kasi niya masisikmurang mula sa nakaw ang ipakakain niya sa kanyang pamilya.

While this obviously remains to be seen, kahang-hanga ang komedyante sa kanyang prinsipyo. Hindi na namin ito pinagtatakhan dahil bago pumasok sa showbiz si Bayani, nagtrabaho muna siya as PA/writer ng isang now-defunct show sa GMA.

Nadiskober palang mayroon siyang talent sa acting, and the rest is history. Dati rin naming katrabaho ang kanyang simple pero magandang maybahay na si Len, na katuwang ni Bayani para itaguyod ang kanilang pamilya.

Tinandaan namin ang winikang ‘yon ni Bayani na never siyang mapapabilang sa mga naglipanang corrupt na politiko sa bansa.

Although may kapaniwalaan na walang sinumang hindi humawak sa palayok ang hindi naulingan.

Isang malaking hamon ‘yon sa komedyante should he pursue a career in politics.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top