Wednesday , September 24 2025

2 brodkaster 8 taon kulong sa cyberlibel

HINATULAN ng Re­gional Trial Court ng North Cotabato ng wa­long taong pagkaka­bilanggo ang dalawang radio blocktimer dahil sa kasong cyberlibel na inihain ni governor Em­mylou Mendoza dahil sa malisyosong artikulo laban sa kaniya.

Magugunitang bina­tikos ng mga radio blocktimer na sina Larry Subillaga at Eric Rodinas sa kanilang programa ang anila’y korupsiyon at pagbubulsa ng pondo ng pamahalaang panla­lawigan ni Mendoza.

Bunsod nito, naghain ng kasong cyberlibel si Mendoza laban kina Subillaga at Rondinas nang mag-post sa Face­book na inaakusahan nila ang gobernador ng korup­siyon at pagbubulsa ng pondo ng pamahalaang panlalawigan ng North Cotabato.

Nitong nakaraang linggo, inilabas ang hatol sa dalawang radio broad­caster ni Judge Jose Tabosares ng RTC Branch 23 sa Kidapawan City, kabisera ng North Cota­bato.

Napatunayang ‘guilty’ ang dalawa sa paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Pinatawan ng walong taong pagkakabilanggo at multang P1 milyon dala­wang brodkaster.

Samantala, wala pang inilalabas na pahayag ang dalawang kagawad ng media tungkol sa desi­syon ng korte sa kasong isinampa sa kanila.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …