Wednesday , June 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 4 arestado sa droga
4 arestado sa droga

4 arestado sa droga

APAT na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang babae ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police chief, S/Supt. David Nicolas Poklay, unang ikinasa ng mga operatiba ng SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni C/Insp. Jowilouie Bilaro ang buy bust operation sa Que Grande St., Brgy. Ugong na nagresulta sa pagkakaaresto kina Jackielyn Ribo, 29 anyos, Emmie Manaig, at Ronquin Beltran.

Narekober sa mga suspek ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, P300 buy bust money at tatlong P100 bills.

Samantala, nasakote rin ng mga operatiba si Cathleen Joy Hendez, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P2,000 sa isang undercover police na nagpanggap na poseur-buyer sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Paso de Blas. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top