Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / GRP peace panel nilusaw ng Malacañang

GRP peace panel nilusaw ng Malacañang

NILUSAW na ng Malacañang ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) negotiating peace panel.

Sa harap ito ng realidad na wala namang nangyayaring nego­sa­syon sang gobyerno sa pagitan ng (Communist Party of the Philippines-News People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Sa liham na ipinadala ng Office of the President, may petsang 18 Marso 2019, at pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, ang termination ay epektibo agad.

Pangunahin sa mga terminated ang serbisyo dahil sa paglusaw sa GRP Panel ay si Secretary Silvestre Bello III na siyang tumatayong chair­man, at mga miyembro nito na sina Antonio Arellano, Angela Librado Trinidad at Rene Sar­miento.

Kaugnay nito, inaa­tasan ang mga personali­dad na i-turnover ang lahat na hawak nilang mga papeles, doku­mento at mga property, sa Office of the Pre­sidential Adviser on the Peace Process na pina­mu­munuan ni Secretary Carlito Galvez, Jr.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top