Tuesday , July 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Anak ni Mayor Halili, ‘di nakialam sa The Last Interview
Anak ni Mayor Halili, ‘di nakialam sa The Last Interview

Anak ni Mayor Halili, ‘di nakialam sa The Last Interview

ISA ang anak ni Mayor Antonio ‘Parada’ Halili ng Tanauan, Batangas, si Angeline na nanood sa premiere ng pelikulang The Last Interview na idinirehe ni Ceasar Soriano handog ng Great Czar at mapapanood sa May 22. Kitang-kita ang panlulumo ng anak, na ginampanan ni Phoebe Walker.

Ani Angeline, “I don’t know what to expect because the whole time na nagsu-shooting sila, I didn’t meddle. I’m doing my own business.

“I would like to thank the producer and the director, Caesar Soriano, for the movie and it is very touching. And everytime I see my father sa screen, even on the phone, even up to now, I cry.

“The things is, wala akong expectation with regards to the movie. That’s not me, I’m not expecting anything. Ang sa akin is, I just do whatever is necessary on my part. They needed me here, and I’m here even though it’s hard, it’s difficult on my part because it’s something na hindi namin kayang bitawan sa buhay namin. We can’t let go. We cannot move on. The whole family. Pero ‘yung lose, pagkamatay, pagpatay kay Mayor that is something that I will always have to carry.

“This movie, wala akong alam kung paano nila ginawa. Ang alam ko lang magsu-shoot sila, hihiramin nila ‘yung sasakyan. Nakikita ko sila sa bahay. No expectations, I only say things, suggest, kung ano ang andyan, andyan. I have to face my fears, kailangan ko lang tanggapin ang totoo.

“Ang mga opinion and reaction ng bawat isa, respetuhin na lang natin. This is something that is bothering me. I don’t know how to face it. Ang alam ko lang they wanted me to be here. “

Pagbibidahan ni John Estrada ang The Last Interview na tumatalakay sa buhay ng mayor ng Tanauan.

“Si John ang napili ko because he looked like the Mayor. Matangkad. Playboy. Magaling. Kahawig. Para siyang si Mayor. Noong una kong in-offer sa kanya ang role, pinag-isipan niya. Sabi ko, hindi ito basta-basta movie. ‘Pag gusto ko kasi ang isang artista, hindi siya makahihindi sa akin,” susog ni Direk Caesar.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top