Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ogie Alcasid, kinilala ang husay sa 21st PASADO awards
Ogie Alcasid, kinilala ang husay sa 21st PASADO awards

Ogie Alcasid, kinilala ang husay sa 21st PASADO awards

KINILALA ang husay ni Ogie Alcasid bilang aktor nang tanghaling isa sa Best Actor awardee ng 21st Gawad PASADO (Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro) para sa mahusay at epektibo niyang pagganap sa pelikulang Kuya Wes.

Actually, apat na aktor ang pumasok sa pamantayan ng Pasado para tanghaling Best Actor, kasama ni Ogie na nanalo rito sina Allen Dizon (Bomba), Paulo Avelino (Kasal), at Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset).

Kasalukuyan pang palabas sa mga sinehan ang naturang pelikula na pinamahalaan ni Direk James Mayo at tinatampukan din ni Ina Raymundo na recently ay nanalo rin bilang Best Actress katuwang si Ai-Ai delas Alas sa 39th Oporto International Film Festival sa Portugal.

Ayon sa pamunuan ng PASADO, nakita nila sa pelikulang Kuya Wes ang kakaibang Ogie Alcasid na kilala sa pagiging komedyante. Dito ay nakombinsi ng mister ni Regine Velasquez ang mga Dalubguro sa kanyang makatotohanang pagganap sa papel na isang simpleng empleyado ng remittance center na boring ang buhay, na in love nang husto sa customer niyang si Erika (Ina) kahit may asawang OFW.

Ang awards night ng PASADO ay gaganapin sa Tanghalang Herbert Bautista sa Quezon City Polytechnic University sa Novaliches sa 18 Mayo 2019.

Narito ang iba pang mga nagwagi:

Dangal ng PASADO Lifetime Achievement Award,  Ronaldo Valdez; PinakaPASADOng Pelikula, Rain­bow’s Sunset, Kasal, Bomba, Aria, Kuya Wes; Pinaka­PASADOng Aktres,  Gloria Romero (Rainbow’s Sunset), Ai Ai Delas Alas (School Service), Bea Alonzo (Kasal); Pinaka­PASADOng Katu­wang na Aktor,  Tony Mabesa (Rainbow’s Sunset), Joel Lamangan (School Service), Ricky Davao (Kasal); Pinaka­PASADOng Katuwang na Aktres: Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset), Angellie Nichole Sanoy (Bomba); PinakaPASADOng Child Actor, Kenken Nuyad; PinakaPASADOng Direktor, Joel Lamangan (Rainbow’s Sunset); Pinaka­PASADOng Istorya,  Robby Tantingco (Aria); PinakaPASADOng Sinematograpiya, Mycko David (Kasal); PinakaPASADOng Editing, Marya Ignacio (The Hows Of Us); PinakaPASADOng Dulang Pampelikula,  Enrique Ramos (Rainbow’s Sunset); PinakaPASADOng Musika, Emerzon Texon (Rainbow’s Sunset); PinakaPASADOng Tunog, Albert Idioma (Bomba); PinakaPASADOng Disenyong Pamproduksiyon, Kyle Jumayne (Aria), Jay Custodio (Rainbow’s Sunset).

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top