Wednesday , September 24 2025

Badoy kumain ng noodles sa ‘junket’ trip

IWAS-PUSOY ang mga opisyal ng gobyernong Duterte sa isyu ng nagas­tos sa biyahe sa Europa.

Para ipakita na hindi nawaldas ang pondo ng bayan at pabulaanan ang taguring “junket” ang kanilang EU trip, sinabi ni  Egco, natutong kumain ng noodles si Badoy sa naturang biyahe.

“And to give you an idea, sa trip na iyon, natutong kumain ng noodles si Usec. Lorraine, ‘di ba? At nagse-share-an lang kami dito, mga – you may ask members of the Filipino communities doon, naawa nga sila sa amin e. ‘Di ba sabi nga nila, actually may isang doctor doon, sabi kakaiba kayo dahil… Well, practically doon na kami halos nakitira sa kaniya, nakikain. So, pero ma-quantify kung magkano ba talaga, pa(ma)sahe, kaunting accommo­dations,” ani Egco nang tanungin kung magkano ang gastos sa biyahe.

Habang si Parlade nama’y sinabi na kahit umabot pa nang hang­gang P2 milyon, sulit naman dahil matitigil ang pagpapadala ng bilyon-bilyong piso sa aniya’y prenteng terror groups na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

“Let us just look at it this way: Gumastos ka, sabihin mo nang P1 million o P2 million. But in the process but you are able to prevent the funding worth P2 billion or P1 billion funding from organizations na napunta roon sa radicalization ng mga bata. Sana iyon na lang ang isipin ng mga bumabatikos,” aniya.

Matatandaan umani ng kritisismo ang biyahe ng grupo sa Europa ma­ta­pos ihayag ni Com­munications Secretary Martin Andanar na pakay nito ang pagsagot sa isyu nang pagdakip kay Rappler CEO Maria Ressa at kung anong uri ang umiiral na ‘press freedom’ sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …