Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Anong petsa na… Hindi pa rin aprub ang 2019 nat’l budget? (Wattafak!)
Anong petsa na… Hindi pa rin aprub ang 2019 nat’l budget? (Wattafak!)

Anong petsa na… Hindi pa rin aprub ang 2019 nat’l budget? (Wattafak!)

BAKIT nga ba hanggang ngayon ay hindi pa rin naaprobahan ang 2019 national budget?!

Matatapos na ang first quarter ng 2019, ang budget ay hindi pa rin aprobado?!

Marami na ang nasasakripisyo. Maraming proyekto ang nabibinbin at higit sa lahat apekta­do na ang suweldo ng mga kawani ng pama­ha­laan maging ang kanilang increase na sana’y natatamasa na nila ngayon.

Ang suweldo para sa job orders na kai­langang-kailangan sa maraming ahensiya ng pamahalaan.

Hanggang ngayon hindi makapag-hire ng job orders kasi nga wala pang budget.

Kailan ba talaga aaprobahan ‘yan?!

Aba, gigil na si Senador Ping Lacson, kasi ganito raw ang nangyayari noong presidente pa si Madam Gloria macapagal Arroyo.

Ngayon daw ay nauulit na ang budget ay re-enacted na naman?!

Bakit nga ba, Madam GMA?! Kailan ba iaaprub ang national budget?!

Pakisagot na nga po!         

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top