Saturday , April 20 2024

Teddy Corpuz at Myrtle Sarrosa meant sa isa’t isa sa “Papa Pogi”

MUNTIK-MUN­TIKAN na palang hindi matuloy si Myrtle Sarrosa na maging leading lady ni Teddy Corpuz sa “Papa Pogi,” ang launching movie ng bokalista ng Rocksteddy. Si­nabi­han daw kasi si Myrtle na hindi na siya tuloy sa movie at nagulat na lang nang biglang tawa­gan isang araw ng pro­duction para sabihing siya na uli ang maka­ka­tambal ni Teddy.

Kaya laking pasa­salamat ni Myrtle kina Mother Lily at Ma’am Roselle Monteverde sa bagong proyekto na ipinagkaloob sa kanya ng mag-ina at sobra raw niyang inenjoy ang shooting nila na happy lang sila sa set. At wow, may kissing scene sila ni Teddy dito sa Papa Pogi na showing in Cinemas nationwide this March 20 at may red carpet premiere sa March 18.

We heard maraming inimbita si Teddy sa kanilang premiere night at wish ng komedyante na sana ay dumating lahat.

“Oo siyempre kasi first movie ko, tapos kumbaga magka­kapa­tid ka­ming lahat. Parang, ‘Uy! Magka­kapatid tayong lahat dito. Sinuportahan ko kayo dati ha.’

Hindi naman ga­no­on kalaki ‘yung market ko sa social media pero sumu­porta ako. Nando’n ako no’ng premiere night, red carpet, nanood pa ako nang isang be­ses uli,” paha­yag na suporta niya sa kanyang mga kasamahan sa noontime show sa Dos.

Tungkol sa halikan nila ni Myrtyle dahil sa respeto niya sa kanyang misis ay ipinaalam pa raw ni Teddy sa kanyang part­ner. Mas magan­da na raw ‘yung mag­pa­a­lam siya para kapag na­panood ng asawa niya ay wala nang magiging problema pa.

Samantala aminado ang TV host/comedian na talagang may pressure sa kanya sa kalalabasan ng kanilang pelikula sa takilya.

“‘Yung expecatations ko siguro, na kay Lord na lang ‘yon. Parang kung may maipagmamalaki ako, siguro ‘yung faith ko kay God, make o break with this film, it will remain solid pa rin.

“Sinasabi ko ‘yun kay Empoy (Marquez) (dati) na lahat may perfect timing, kung ano ‘yung ibigay sa iyo ni Lord,” pagtatapos ni Teddy na siya rin kumanta ng theme song ng movie na idinirek ng first time director na si Alex Calleja.

Parte rin ng Papa Pogi sina Donna Cariaga, Joey Marquez, Nonong Ballinan, Dawn Chang, Zeus Collins, Luke Conde, Nikko Natividad.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

About Peter Ledesma

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *