Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Kapag nakipagdigma, sundalong Pinoy mauubos sa China
Kapag nakipagdigma, sundalong Pinoy mauubos sa China

Kapag nakipagdigma, sundalong Pinoy mauubos sa China

AMINADO si Pangulong Rodrigo Duterte na mau­u­bos ang mga sundalong Pinoy kapag nakipagdig­ma sa People’s Liberation Army (PLA) ng China.

Sa kanyang talumpati sa Negros Occidental noong Biyernes, sinabi ng Pangulo na mayamang bansa ang China at may mga modernong armas pandigma kaya’t mag­reresulta sa masaker ka­pag sumabak sa digmaan ang mga sundalong Pinoy.

“If we go to war against China, I would lose all my soldiers just as they are leaving for the war. It will be a massacre. We don’t have the capacity to fight them,” anang Pangulo.

“Now that they are rich country, they have plenty of good quality weapons…for many years, they were ordered by their president to keep on creating guns,” dagdag niya.

Gayonman, deter­minado ang Pangulo na protektahan ang bansa laban sa mga manana­kop pero ang China aniya ay napakalayo ang posi­syon sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

“They are only up to that point. Nobody said before that we should place cannons and machine guns here. So China claimed it. E ‘di they are only up to there,” sabi ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top