Wednesday , September 24 2025
train rail riles

Nakatenggang Railway projects binuhay ng DOTr

ILANG mga nakateng­gang railway project na umabot sa dalawang dekada ang binubuhay ngayon ng Department of Transportation (DOTr).

Sa weekly economic briefing sa palasyo, sinabi ni DOTr Undersecretary Timothy John Batan, ilan dito ang North Rail pro­ject na inumpisahan nang pag-aralan noon pang 1993.

Sinimulan aniya ang konstruksiyon nito nitong nagdaang 15 Pebrero, para pagdudugtungin ng nasabing railway project ang Central Luzon at Maynila.

Tatagos din aniya ang linya nito sa Calamba,  Laguna na nangangai­langang pag-ugnayin ang 22 local government units at kayang magsakay nang dalawang milyong pasahero sa isang araw.

Umpisa na rin, ayon kay Batan, ang paggawa ng common station ng MRT at LRT sa EDSA ma­ta­pos matengga nang 10 taon.

Idinagdag ng DOTr official, pagkatapos ng apat na dekada, sa wakas ay nasimulan na rin ang konstruksiyon ng kauna-unahang subway railway project na 1977 pa pala ipinanukala ng bansang Japan.

Pagdudugtungin nito ang Valenzuela at Que­zon cities hanggang NAIA terminal 3 na kayang magsakay ng 1.3 milyong pasahero kada araw.

(ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …