Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lassy, nakawala sa comfort zone dahil kay Ogie
Lassy, nakawala sa comfort zone dahil kay Ogie

Lassy, nakawala sa comfort zone dahil kay Ogie

 “SOBRANG masaya!” Ito ang tinuran ni Lassy Marquez sa itinuturing niyang napakalaking break na ibinigay ni Ogie Diaz sa kanya para magbida sa Two Love You kasama sina Yen Santos at Hashtag Kid Yambao na isasali ng OgieD Productions, Inc., in cooperation of Lone Wolf Productions Inc., sa Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

Ani Lassy, “Panibagong eksena na gagawin ko nawala ako sa comfort zone ko. Bagong mga kasamahan, na roon sila mahuhusay. Kaya medyo challenging talaga. Tapos andyan pa sina Tita Arlene (Muhlach) alam naman natin na mahusay at magaan din dahil mga kaibigan ko ang mga kasama ko rito.

“Iyan si MC (Calaquian), si Dyosa (Pockoh) na kahit hindi pa kami masyadong nagkakasama magaan na agad ang loob ko sa kanya.”

Natanong si Lassy kung may na-inlove na ba sa kanyang babae tulad ng mangyayari sa pelikulang Two Love You.

Pagbubunyag ni Lassy, “mayroon!”

Kuwento ni Lassy ukol sa babaeng na-inlove sa kanya, “Na-inlove sa akin. Noong una, ‘yung nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Tapos ‘yung pangalawa sa Punchline. Noong una sobrang fan lang na parang every block screening o premiere night namin ni Vice Ganda, andoon siya lagi.

“At kahit hindi siya nagsabi (ng feelings), nararamdaman ko.

Singit naman ni MC, “Sa amin nagtapat.”

“Tapos umiiyak siya kapag may lalaki ako. Nagtataka ako na lagi niya akong inililibre eh, talaga-Laguna siya. Lumuluwas para manood ng show ko gabi-gabi. Ang ending bulag siya, naaamoy lang niya ako, tapos kinakapa niya ako sabi niya, ‘bakit ganoon, parang rough, ha ha ha,” pagbibirong kuwento pa ni Lassy.

Pagpapatuloy pa ng magaling na komedyante, nagme-message pa rin hanggang ngayon ang naturang babae pero hindi niya maiwasang mandiri. “Ayoko ng sugat! Kasi peklat iyon eh,” biro nito. “Pero hindi, ang offer ko na lang sa kanya, maging magkaibigan kami. ‘Yun ako ang naaawa sa kanya kasi umuuwi siya ng madaling araw kaya inihahatid ko na lang sa sakayan lagi. Tapos noong birthday ko, gumawa pa siya ng video na gumastos pa ng P15,000 para i-surprise ako.

“Sabi ko nga, grabe ang babaeng ito. ‘Bakit mo ba ginagawa ito?’ Hindi ko namamalayan na hawak ko ang kamay niya sa premiere night, tumatakbo kami, hindi ko alam na kinikilig na pala siya. Sinasabi ko sa kanya na magkaibigan lang talaga kami na kahit maghubad siya sa harapan ko, walang mangyayari.”

Pagkaklaro pa ni Lassy na ayaw niyang gawing practice ang pangyayaring iyon sa kanya sa paggawa niya ng pelikula. Tutal nariyan naman si Ogie na kaibigan niya at prodyuser nila sakaling may katanungan pa siya sa gagampanan niyang papel na mai-inlove kina Kid at Yen.

Sambit pa ni Lassy, hindi niya nakikita ang sarili na mai-inlove sa isang babae. “Hindi, hindi talaga! Bakla talaga ako eh.”

Pero biglang singit ni Yen, “’Wag kang magsalita ng tapos, hindi pa tayo nagsu-shooting.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top