Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / BPLO na may koleksiyon ng ‘tara’ iniimbestigahan na ng PACC at DILG
BPLO na may koleksiyon ng ‘tara’ iniimbestigahan na ng PACC at DILG

BPLO na may koleksiyon ng ‘tara’ iniimbestigahan na ng PACC at DILG

KOMPIRMADO!

Mismong ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nagsusulong ng imbestigasyon laban sa tinatawag ngayong ‘tara’ collection ng ilang opisyal sa Business Permits and Licensing Office (BPLO) ng Makati City at Caloocan City.

Mga suki, ito ‘yung isinulat natin nitong nakaraang linggo tungkol sa Comprehensive General Liability (CGL) insurance coverage, na ngayon ay unang requirement kapag nag-renew ng business permit ang mga negosyante sa mga lungsod ng Caloocan at Makati.

Pagkaklaro lang po, ang unang isyu rito, bakit kailangan i-authenticate at i-verify ‘kuno’ ng isa o dalawang insurance company ang iba pang insurance company na kinuhaan ng CGL ng mga negosyante.  

Ikalawang isyu: Bakit 40% lamang ng kabuuang halaga na ibinayad ng mga nagre-renew ng permit ang binibigyan  ng resibo? Saan napupunta ang 60%?

‘Yan bang 60% na ‘yan ang pinagmumulan ng ‘tara’ ng mga tulisan sa BPLO?

‘Yan po ang unang isyung itinanong natin noon na ang naging sagot sa atin ay asuntong Libelo.

Ngayon po, ang gusto nating itanong kay Makati BPLO Chief Atty. Maribert Pagente, ngayong iniimbestigahan kayo ng PACC at DILG, idedemenda po ba ninyo sila?

E ‘yung nagtatanong lang nga sa inyo noon tungkol sa ‘tara-insurance’ sa BPLO, idinemanda na ninyo ng Libel, ngayon pa kaya na kayo’y iniimbestigahan ng PACC at DILG?!

Ano po sa palagay ninyo attorney?!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top