Sunday , May 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi
Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi

Tatlong lalaki tiklo sa pekeng yosi

INARESTO ng pulisya ang tatlong lalaki na naaktohang nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo sa Bocaue, Bulacan.

Kinilala ang mga suspek na sina Carlo Lopez, 22-anyos; Antho­ny Lopez, 19-anyos; at Mark Anthony Dimara­nan, 25-anyos.

Isinagawa ang operasyon laban sa tatlong suspek ng mga kagawad ng Bocaue police at Bulacan Pro­vincial Special Operation Group (PSOG).

Nabatid na inaresto ang tatlo matapos maka­kuha ng impormasyon ang mga operatiba na sila ang nagbebenta at nagde-deliver ng mga pekeng brand ng sigarilyo na Fortune at Marlboro sa bayan ng Bocaue.

Kasalukuyang nakakulong ang tatlong suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top