Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Sa hamong debate… Neri Col inisnab ng Palasyo

Sa hamong debate… Neri Col inisnab ng Palasyo

IBINASURA ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang hamon na debate ni senatorial candidate Neri Colmenares kaugnay sa loan agreements ng Filipinas at China.

Sinabi ni Panelo na nais lang ni Colmenares na makakuha ng atensi­yon sa media para mai­sulong ang kandidatura.

“Challenging a publicly visible govern­ment official to a debate attracts media attention. Surely Mr. Neri Colme­nares knows how to grab at a media op to improve on his fledgling candi­dacy,” sabi ni Panelo.

Nauna nang kinu­westiyon ni Colmenares ang pagkadehado ng Filipinas sa US$62-M deal sa Chico River Pump Irrigation Project.

Giit ni Panelo, nasagot na ng economic managers ng administrasyong Du­ter­te ang mga kuwestiyon ni Colmenares sa natu­rang kasunduan at kung hindi pa kontento ang senate bet ay malaya siyang idulog ang usapin sa hukuman.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top