Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Bong Go hindi po kayo kalbo ‘wag kayong magpakengkoy
Bong Go hindi  po kayo kalbo ‘wag kayong magpakengkoy

Bong Go hindi po kayo kalbo ‘wag kayong magpakengkoy

KUNG sino man ang nang-uurot at nag-a-advice kay dating SAP Bong Go na magpakeng­koy sa kanyang pangangampanya, e dapat na siyang ipagpag ng tumatakbong senador.

Simple lang ang rason, kangkungan ang kababagsakan ni Bong Go sa estilong pag­papakengkoy.

Hindi ninyo kailangan magpatawa, former SAP dahil ang pinag-uusapan dito ay ‘yung track record mo bilang dating Gabinete ng Duterte administration.

Ang ganda na ng showing ninyo.

Pumasok na kayo sa target na top 12.

Huwag na ninyong gayahin si Imee na masyadong trying hard. Kumanta pa ‘e sablay naman.

Hindi po ninyo kailangan maging kengkoy sa harap ng publiko pero pilit na pilit naman.

Tinanggap ka nga ng publiko na ‘pamban­sang fotobam’ at ‘pambansang selfie’ ‘di ba? Kaya huwag ka nang magpakengkoy.

Ang dapat malaman ng tao, kung ano na ang mga nagawa mo at mga bagong gagawin sa Senado.

‘Yun lang po, pasok na pasok na kayo.

Kaya kung sino ‘yang ‘sulsultant’ na urot nang urot sa iyo ‘e dapat mo nang ipagpag…

Baka imbes magtuloy-tuloy ang iyong suwerte ‘e malasin ka pa.

Ingat lang po former SAP Bong Go at baka banggain ka ng malas sa mga urot nang urot sa iyo.

Good luck po!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top