Wednesday , May 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Thea, manhid na ang anit sa kasasabunot ni Kris
Thea, manhid na ang anit sa kasasabunot ni Kris

Thea, manhid na ang anit sa kasasabunot ni Kris

HINDI makalilimutan ni Thea Tolentino na minsan ay sinaktan at binuhusan niya ng wine si Cherie Gil!

Ito ay sa The Half Sisters noong 2014.

“May eksena roon na inginudngod niya ako sa mahjong board.”

Classic scene na tinapunan ni Cherie ng tubig si Sharon Cuneta sa pelikulang Bituing Walang Ningning, kaya naman proud si Thea na ikuwentong nagawa rin niya ito sa idolo niyang aktres sa THS.

“Itinulak ko siya roon, tinapunan ko siya ng wine. Bongga!”

Ano ang sinabi sa kanya ni Cherie that time?

“Wala, game siya! Sabi niya, ‘Okay lang, go, itulak mo ako, dear.’”

Hindi siya natakot gawin ang eksena.

“Mas nakatatakot ‘pag hindi ko po ginawa ang eksena tapos…mas nakatatakot ‘pag nabitin, ‘pag hindi ko ginawa ng tama ang eksena.”

Sa kasalukuyan naman ay napupuri si Thea dahil sa mahusay niyang pagganap bilang si Venus sa Asawa Ko, Karibal Ko.

Si Venus ang salot sa buhay nina Rachel (Kris Bernal) at Gavin (Rayver Cruz) sa top-rating Kapuso show na magwawakas na sa Biyernes, March 1.

Wala pa bang nanigaw o umaway sa kanya sa isang public place? May  fans kasi na nadadala ng emosyon at inaakala na ang papel ng isang artista sa TV o pelikula ay siya ring pagkatao ng mga ito sa tunay na buhay.

“Wala pa naman po, kasi walang time pumunta sa isang public place,” at tumawa si Thea na lagare sa pag-aartista at pagiging 4th year student ng Public Administration sa Trinity College.

Kung may mga nagagalit sa kanya ay marami rin ang pumupuri kay Thea dahil sa husay niya bilang kontrabida.

“Pero minsan po, iniisip ko, gusto ko ring ma-try ‘yung light lang, nakasasakit din kasi sa ulo ‘yung galit na galit lagi.”

Pero tanggap ni Thea na sa pagiging kontrabida siya nag-e-excel at dito niya naipakikita ang pagiging mahusay na aktres.

Totohanan ang mga eksenang sampalan at sabunutan nila ni Kris sa Asawa Ko, Karibal Ko.

“Tulad ng isang beses, nagsabunutan kami, after ng take ang hair extention ko nasa sahig!”

Sa tindi ng pagsabunot sa kanya ni Kris ay natanggal ang fake hair na ikinakabit kay Thea tuwing taping. Siguradong masakit iyon.

“Manhid na po ang anit ko,” at muling natawa si Thea.

Hindi na nila iniintindi kapag nagkakasakitan sila ni Kris ng totohanan dahil kailangan sa eksena.

“At mabibigat na po ‘yung mga eksena this last week,” sabi pa ni Thea.

Hindi naman sila nagkakapikunan ni Kris kapag nagkakasakitan.

Alaga sila ng direktor nilang si Mark Sicat dela Cruz pagkatapos ng bawat eksena.

“Ano siya, ‘Okay ba kayo, may nasaktan ba?’

“Maalaga siya.”

(ROMMEL GONZALES)

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top