Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / ‘Biro’ video ni Go, pinalagan
‘Biro’ video ni Go, pinalagan

‘Biro’ video ni Go, pinalagan

Samantala, maraming hindi nagkagusto sa viral video ni senatorial candidate SAP Bong Go na ginawa niyang running joke ang naging relasyon noon nina Kris at Phillip Salvador na ama ng panganay nitong si Joshua sa kampanya niya kamakailan.

Sa nasabing kampanya ay kasama si Ipe sa kampo ni SAP Bong at nagkuwento siya ng bahagya tungkol sa aktor na para sa kanya ay biro.

Sabi ni SAP Bong, “Si Ipe (Phillip) adopted father of Davao City po siya kasi po nag-iwan siya ng apat na anak sa Davao.”  Umalma ang aktor base sa narinig na tinig nito sa video pero sinagot siya ng kanang kamay ng Presidente Rodrigo Duterte ng, ”totoo naman eh, naloko mo nga si Kris Aquino.”

Dinig na dinig sa video na nagtawanan ang mga tao na kung inakala ni Go ay dagdag pogi points sa kanya ay maling-mali siya dahil maraming umalma sa kanya at kasama na kami dahil hindi magandang biro ito para sa isang anak ng dating Presidente ng Pilipinas na si Corazon Aquino at kapatid din ng naging presidente rin na si Noynoy Aquino.

Ipinost ni Kris sa kanyang IG ang video na ito ni Go at umabot sa 4,081 ang komentong hindi gusto ang ginawa niya laban sa Queeon of Social Media.

Ang ilan sa mga nabasa namin ay mula kay  @emmiemvp, “Bad campaign! This should spread as a lesson for men like him who makes ladies a laughing stocks no matter how good he is. If he’s here in North America that will be called for, for him to stop his campaign! Disgraceful! Love you @krisaquino.”

Sabi naman ni @iamsting26, “kapag basura nasa isip basura din ang lalabas sa bibig kaya for sure basura lang din ang dadalhin sa senado haist.”

Nag-reach din ang isang single mom na si @chellejoyc, “PANLOLOKO” IS NOT A JOKE, lalo na kung may batang involved! I’m not a fan of anyone, pero single mom din ako na NALOKO ng tatay ng anak ko. Parang pati ako, pakiramdam ko pinagtatawanan nila. Big NO for this one.”

Sabi naman ni @maniwantiwan, “This guy doesn’t deserve a Senate seat. Gosh we need better Senators.”

Mukhang nawalan ng isang boto si Go kay @wangwangwuwulimlim, “puwedeng ibang joke ‘wag ng magbanggit ng pangalan, hindi ito ‘yung joke na nakakatawa kaya wala ka sa listahan ko! Sorry!”

Say naman ni @rowena8635, “not so gentlemanlike comment using and namedropping Kris in any political speech means insecurity.”

Ayon din kay @bryansiace, “baka naman si Bong Go ang nagpapapansin at si Ms. @krisaquino ang ginamit n’ya para mapansin na sa akala n’ya ay ikakadagdag ng boto nya kung gagawin n’ya katatawanan ang past ni ms Kris?”

Ang paniniwala naman ni lyvmig2430, “Wag ganoon. A politician with good intention to serve the Filipino people and a gentleman at that should always have good words, dignity and di naninira ng kapwa to earn sympathy.”

Isa pang hindi na rin nakuha ni SAP ang boto ay si @simplyjessy63, “Don’t ever trust that man again Ms. Kris. We will never vote for him and the rest of them. Just don’t trust them. You are a far better person, so huwag magpa apekto. We love you Ms. Kris! Stay happy and healthy!

Sa madaling salita, umabot sa 4,081 na ang hindi boboto kay Go at siguro maliit na porsiyento ito para sa kanya kaya deadma lang siya.

Hindi pinatulan ni Kris ang birong ito ng kanang kamay ng Presidente ng Pilipinas, bagkus ay inamin niyang sobra siyang nasaktan sa ginawang pagbibiro sa nakaraan niya.

So much hurt deeply in the past few days. I was shown this video while in Japan (bandila) and had actually reached out to Senatorial Candidate Bong Go because turo ng Dad ko panindigan mo na good sport ka I was doing a #konmari on my phone & lumabas ‘yung video pinanuod ko ulit.Yun ang pagkakamali ko, may black eye noong Friday, napangahan ng Tuesday tapos nakita ulit na punchline ako sa campaign sortie at pinagtatawanan dahil nga “naloko” ako.Wala po akong atraso sa inyo SAP BONG GO. I have only had good words for you pero sana sa paglilingkod n’yo para sa mga Pilipino bilang Senador (I know you are a SURE WINNER), sana priority n’yo rin po ang mga kababaihan.

“Kris Aquino na ko pero madaling gawing “joke” na “naloko” ako ng ama ng panganay ko. Nagtrabaho ako, at hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. But what about the women without financial security & family?( ( “Sorry ha- minalas- nandu’n kasi ‘yung “NALOKO” nakadapa na po, nu’ng pinanuod ulit at narinig ‘yung tawanan ng audience, isa pang sampal sa taong umaamin, matatalo sya.”

Bukas ang pahinang ito para kay SAP Bong.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top