Monday , May 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Female singer, depende sa alok ang ipiname-meryenda
Female singer, depende sa alok ang ipiname-meryenda

Female singer, depende sa alok ang ipiname-meryenda

PAMBIHIRA sa dilang pambihira ang female singer at part-time actress na ito sa tuwing aalukin ng promoter para magtanghal.

Gawing-gawi kasi ng hitad na makipag-meeting sa sinumang promoter sa mismong bahay niya. Iwas-traffic na, mas convenient pa para sa kanya than outdoor meet-ups.

Siyempre, sagot ng singer ang merienda ng kanyang bisita. Ang siste, kapag charity o benefit show lang ang offer sa kanya, juice lang ang ipase-serve niya rito.

Kapag bongga naman ang matatangap niyang TF lalo’t may pauna nang bayad, may kasama nang sandwich at pasta ang baso ng juice. In short, depende sa offer ang ipakakain niya sa show promoter. Da who ang hitad na mang-aawit na wais sa kanyang mga transaksiyon? Itago na lang natin siya sa alyas na Kumareng Letty.

(Ronnie Carrasco)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top