Wednesday , September 24 2025

Digong nag-sorry kay Nur

NAG-USAP sa Palasyo sina Pangulong Rodrigo Duterte at Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kamakalawa ng gabi.

Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na 15 minutong na­ka­pag-usap ang dala­wa.

Ayon kay Panelo, si Pangulong Duterte ang maraming nasabi kay Misuari.

Humingi aniya ng paumanhin ang Pangulo kay Misuari dahil hindi pa nangyayari ang pangako niyang maipatupad ang federalismo.

Mas pabor si Misuari sa federalismo kaysa pagtatatag ng Bangsa­moro region.

Nagpasalamat aniya si Pangulong Duterte kay Misuari sa haba ng pasen­siya ng MNLF leader.

Giit ni Panelo, masu­sun­dan pa ang pagkikita at pagpupulong nina Pangulong Duterte at Misuari para mas mapa­haba pa ang diskusyon.

Wala naman aniyang nabanggit  si Pangulong Duterte kay Misuari hing­gil sa Bangsamoro Tran­sition Authority (BTA).

Ayon kay Panelo, walang reklamo si Misuari sa Pangulo hinggil sa komposisyon ng BTA.

Naunang napaulat na umalma si Misuari sa hindi patas na bilang ng komposisyon ng BTA dahil umano mas mara­ming miembro nito ay mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Wala pang schedule ang susunod na pag-uusap nina Pangulong Duterte at Misuari.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Tuba Benguet landslide bagyo Nando

Sa Tuba, Benguet
9 sugatan sa landslide sa pananalasa ng bagyong Nando

SUGATAN ang siyam katao sa ilang naiulat na mga insidente ng pagguho ng lupa sa …

Dead body, feet

Sa Tanza, Cavite
Bangkay ng lalaki natagpuan sa liblib na lugar

WALA nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa liblib na bahagi ng …

Sta maria Bulacan Police PNP

Motorsiklo tinangay, ipinang-roadtrip 2 kabataan timbog

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki at kaniyang kasamang menor de edad na itinurong …

Norzagaray Bulacan police PNP

P38-K kita ng tindahan sinikwat ng empleyado

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos tangayin ang kita ng tindahang pinagtatrabahuan sa …

Taguig PNP Police

Motorsiklo ninakaw, tinangkang ibenta; Pulis-Taguig timbog sa mga kabaro

NASAKOTE ang isang pulis na nakatalaga sa Taguig CPS matapos tangkang ibenta ang ninakaw na …