Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ahron, kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki
Ahron, kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki

Ahron, kayang makipaghalikan sa kapwa lalaki

MAY tinanggihang project para sa Cinemalaya 2019 si Ahron Villena na dahil pakiwari niya ay hindi pa niya kaya ang karakter.

Aniya, ”sayang nga kasi dream ko talagang magkaroon ng Cinemalaya kaso noong nabasa ko ‘yung script sabi ko, hindi para sa akin. Siguro hindi pa ako handa sa ganoon.”

Walang binanggit si Ahron kung anong klaseng role iyong offer sa kanya pero ang hula namin ay gay siya at may bed scene dahil nabanggit niyang open siyang gumanap na bading sa pelikula at may boyfriend.

“Wala namang problema as an actor kasi dapat versatile ka. Parang hindi ka dapat mamili ng gagawin mo as long as ‘yung director alam mong magaling at alam mong hindi ka pababayaan at alam mong hindi ka mae-exploit. So nag-iingat lang din ako, hindi naman ako maarteng tao, mararamdaman mo naman din na parang may mali na, parang may something. Kaya ko naman ang kissing scene sa kapwa ko lalaki,” paliwanag ng aktor.

Nalapnos ang tagiliran dahil sa cleavage

Anyway, kailan lang umere ang MMK story ni Mitch, ang gay na nasa loob ng PBB house na ikinasal sa kanyang lesbian lover at nagkaroon  ng anak.

Ayon kay Ahron hindi niya alam na gay si Mitch at nalaman niya noong pinanood niya lahat ng video para pag-aralan niya, ”akala ko babae na may lesbian lover hindi ko alam na bakla pala.

“So okay gusto ko ‘yung role, ang pinakamahirap ay ‘yung nilagyan ako ng packaging tape rito (tagiliran) para magkaroon ng cleavage. Noong una sinukatan ako ng silicon ang kaso hindi nag-match sa kutis ko at halata kapag naka-spaghetti ako, kasi si Mitch laging nagsusuot ng spaghetti.

“So, pinatanggal tapos sabi niyong make-up artist na nag-make up din sa ‘Born Beautiful’ ni Martin (del Rosario) packaging tape na lang so pinataas ‘yung kamay ko tapos nilagyan ako pagbaba ko okay pa. 

“Siyempre ang taping magdamagan, 10:00 p.m. ikinabit sa akin hanggang 4:00 a.m. na nakaganoon. Pagtanggal ko ng packaging tape parang tocino na as in grabe, nag-blisters kaya sinundot ko ng syringe para mawala ‘yung tubig-tubig,” mahabang kuwento ng aktor.

Hindi naman din siya nagsisisi na nalapnos ang balat niya dahil sa packaging tape dahil, ”ang taas ng ratings niyon. At saka sumabay sa hype niyong kuwento nina Mitch at niyong lover niya sa PBB kaya fresh pa.”

Bagong manager para makapag-explore

As of now ay walang regular show si Ahron sa ABS-CBN pero alam niyang magkakaroon sa tulong ng bago niyang manager na si Ogie Diaz.

Noong nakaraang taon pa umalis si Ahron kay Freddie Bautista na pareho nilang manager ni Kakai Bautista.

“Nag-start ako kay Ogie last week of October. Nagsabi naman ako kay kuya Freddie na gusto kung sumubok, sobrang kaibigan ko siya at pamilya na at ‘pag may problema ako puwede akong tumakbo sa kanya.. Wala namang isyu, tinapos ko naman ‘yung kontrata ko sa kanya noong May 2018. Hindi na ako nag-renew ng contract, pero nagtagal pa ako hanggang August. 

“Sabi ko lang gusto ko munang mag-explore sa iba at naintindihan naman niya, umabot po ako ng 4 or 5 years yata kay kuya Freddie as my manager. ‘TV Idol’ ako noon tapos nag-transfer po ako sa new management pero bumalik pa rin ako sa kanya hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

“Kung total years siguro nasa 6 years ako sa kanya, at naintindihan naman niya na gusto kong mag-grow as an actor. Nag-uusap naman kami, wala naman kaming conflict,” kuwento ni Ahron.

Hindi pa naman nasi-zero si Ahron sa raket dahil nabibigyan siya ng out of town ni Ogie at mas malaki ang bayad sa kanya.

“Sabi ko nga okay out of town shows muna tayo, pero ira-rush na kita ha, dapat bago matapos ang first quarter ng 2019 mayroon na. Mayroon siyang (Ogie) inaayos at hindi ko pa puwedeng sabihin,” say ng aktor.

Nabanggit din na kung may gusto siyang magkaroon ng guesting sa existing shows ng ABS-CBN ay gusto niyang mapasama sa The General’s Daughter, ”kasi si Angel (Locsin) nakatrabaho ko na kaya puwede, additional sundalo ako.”

Sa ngayon ay walang malinaw na karelasyon si Ahron pero aminadong may idine-date siyang hindi sa Manila naka-base sa probinsiya dahil may negosyo.

“Nakilala ko siya thru common friend, nagkikita naman kami madalas dahil lagi siyang pumupunta ng Manila,” kuwento ng binata.

Nabanggit ni Ahron na mag-iipon na siya dahil in three years-time ay gusto na rin niyang magkaroon ng pamilya at hoping siya na ang babaeng nakaka-date niya ang makakatuluyan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top