Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Karla, may hiling sa fans ng KathNiel
Karla, may hiling sa fans ng KathNiel

Karla, may hiling sa fans ng KathNiel

H uwag tayong manghimasok sa private life nila,” pa-sweet na payo ni

Karla Estrada sa media at sa fans sa isang press conference kamakailan. At ang “nila” na pinatutungkulan n’ya ay ang anak na si Daniel Padilla at ang real-life girlfriend at ka-loveteam nitong si Kathryn Bernardo. 

Pagmamalasakit ba ‘yon kina Daniel at Kathryn o kayabangan? O kawalan ng pag-a-analyze ni Karla kung paano nanatiling sikat ang mga artista?

Ayon mismo sa report sa ABS-CBN News website (noong February 18, 2019 at walang personal byline), sumagot nang ganoon si Karla nang tanungin siya tungkol sa mahiwagang pagba-block ni Kathryn kay Daniel sa Instagram n’ya (ni Kathryn) na naging sanhi rin ng automatic na pag-a-unfriend ni Kathryn sa boyfriend n’ya.

Heto ang isang bahagi ng ulat na ‘yon ng ABS-CBN News:

Asked about the alarmed reactions to Bernardo and Padilla appearing to un-follow each other, Estrada said: “Ako, wala, natawa lang ako. These things really happen sa mga magkakarelasyon.

“Maganda naman doon, na-explain naman ni Kathryn na, of course, it wasn’t Daniel ang nag-unfollow. Tawanan lang kami. Hindi masyadong big deal ‘yang mga bagay na ‘yan. Hindi naman niya raw sinasadaya, ‘di ba, she was saying.

“Huwag na tayong manghimasok doon, hayaan na natin sila sa mga ganu’n nila. Basta, ang importante, ang anak ko ay nag-de-deliver nang maayos sa buhay pag-ibig, sa buhay sa pamilya niya, at lalong-lalo na sa kanyang buhay sa trabaho.”

In the same interview, Estrada also denied rumors that Padilla and Bernardo were recently secretly engaged — an example of the supposed intrustion into their private lives.

“Nag-assume lang tayo, ‘yung mga nakapanood. Actually, hindi naman talagang big deal ‘yon. May mga bagay na seryoso na mangyayari sa anak ko pagdating ng panahon and ako ang unang makakaalam noon,” she said.

Sa mga batang idolo na gaya nina Daniel at Kathryn, ang pribadong buhay nila ang unang sinusundan ng fans bago ang mga pelikula. Magkakabit na magkakabit ang pribadong buhay ng mga batang showbiz idol at kita ng pelikula nila—lalo na kung magkarelasyon talaga sa tunay na buhay ang magka-loveteam sa pelikula.

Hindi lang naman dahil sa magandang pelikula talaga ang The Hows of Us kaya naging all-time top-grossing Filipino film na ito sa kitang P800-M kundi dahil sa ang mag- sweetheart sa tunay na buhay na sina Daniel at Kathryn ang mga bida sa pelikula. Maraming magagandang pelikula na nilangaw at nilamok dahil wala namang relasyon sa tunay na buhay ang mga bida sa istorya.

‘Pag sumunod ang media at netizen fans sa payo (o “demand” ba?) ni Karla na huwag na nilang panghimasukan ang pribadong buhay nina Daniel at Kathryn, ibig sabihin ay laos na ‘yung dalawa. O papalaos na!

Happily, sigurado nang walang susunod sa demand ni Karla na huwag nang panghimasukan ng media at netizen fans ang private life nina Daniel at Kathryn. Mas titindi pa ang kasikatan ng real and movie loveteam nila.

Oo nga pala, nilinaw naman ng ABS-CBN News na ang interrbyu ng reporter nila ay naganap sa press conference ng pelikulang Familia Blondina na si Karla ang bida. ‘Yun lang ang binanggit tungkol sa iba ni Daniel na isa rin sa tatlong hosts ng Kapamilya Network morning show na Magandang Buhay.

Ay, oo nga pala, binanggit din sa ABS-CBN News report na sa February 27, 2019 na magsisimulang ipalabas ang pelikula na hindi ang Star Cinema ang producer.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top