Friday , April 19 2024

Bayani at Gelli, kakaiba ang tandem sa pelikulang Pansamantagal

SOBRANG thankful ang magaling na kome­dyanteng si Bayani Agbayani sa mga dumarating sa kanyang projects ngayon. Isa na rito ang pelikulang Pansamantagal na siya mismo ang bida at leading lady niya rito si Gelli de Belen.

Kakaibang RomCom ito mula sa Horseshoe Studio at sa pamamahala ni Direk Joven Tan. Mapapanood na sa bandang third week ng March ang pelikula na tinatampukan din ni DJ Chacha.

Sa ngayon ay baka higit sa seven million views na ang trailer nito. Kasi, nakaiintriga ang ilan sa dialogues dito nina Bayani at Gelli na binanggit ang salitang tit- or penis sa Ingles. Actually, nang napanood namin ang trailer nito ay nagulat din kami sa ilang daring na dialogue rito, na pati si Gelli ay game na sinabi ang salitang tit, although naka-bleep ito sa trailer.

Anyway, inusisa rin namin si Bayani kung ano ang masasabi niya sa leading lady niya sa pelikulang Pansamantagal?

Sagot ng Kapamilya comedian, “Ang galing niya at saka mabait si Gelli. Matagal ko na siyang pinapanood… and idol ko iyan kasi, e.”

Ano ang dapat i-expect ng manonood sa movie nila? “First time ako na iyong talagang nag-drama, iiyak, ganoon… Pero siyempre ay may comedy din dito. Hindi puwedeng wala, kasi iyon na ang pinaka-tatak ko, e,” nakangiting sambit ni Bayani.

Nanibago ba siya na rito ay magkahalong drama at comedy ang ginawa niya? “Hindi naman ako nanibago na nag-comedy at nag-drama ako, pinaghandaan ko ito kasi talaga nang nabasa ko pa lang ang script.”

Ipinahayag din ni Bayani na sobrang thankful siya sa nangyayari sa kanyang showbiz career ngayon. ”Nagpapasalamat ako kay Lord, kasi hindi ko na pinaplano ang career ko, e. Hindi ko nga alam na makababalik pa ako sa TV. Plus, may isa pa akong moview, ‘yung Feeli­nials (Feeling Millenials), na kami ni Ai Ai (delas Alas) ang bida naman.

“Kaya thank you po Lord, happy ako na nabibigyan ako ng mga ganitong project, na ang mga leading lady ko pa ay tulad nina Gelli at Ai Ai,” wika pa ni Bayani.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *