Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Katapusan ni Edu sa AP, kaabang-abang
Katapusan ni Edu sa AP, kaabang-abang

Katapusan ni Edu sa AP, kaabang-abang

EVER heard of the Hanna Boys Center way back sa Amerika?

Naging bahagi pala nito ang sundalong ama ng kinabubwisitan sa karakter niya bilang Lucas Cabrera sa Ang Probinsyano na si Edu Manzano.

Naalala ni Edu ang hindi matutumbasang pakiramdam ng gumagawa ng volunteer work na gaya ng kanyang ama noong mga panahong ‘yun na siya naman niyang sinusundan sa pag-iikot niya hanggang sa mga kasulok-sulukan ng San Juan, para magbahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Nakilala ni Edu ang mga super sipag na volunteer workers sa kanilang mga medical mission sa San Juan.

Hindi pa ikinukuwento ng mga taga –AP ang sasapitin ni Lucas ngayong unti-unti ng kumakawala ang mga masasamang gawain nito na nagiging tinik sa landas nina Cardo Dalisay (Coco Martin).

Siniguradong gaya ng kay Pinuno (Lito Lapid) eh, tunay na kaabang-abang ito.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top