Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Palasyo di-kombinsido sa aksiyon ni Ressa
Palasyo di-kombinsido sa aksiyon ni Ressa

Palasyo di-kombinsido sa aksiyon ni Ressa

HINDI makita ng Malacañang sa aura ni Rappler CEO Maria Ressa ang isinisigaw nitong chilling effect, intimi­dation at banta sa press freedom kasunod ng ginawang pag-aresto ng NBI dahil sa kasong cyber libel.

Sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo, kahapon pa niya inoobserbahan si Ressa hanggang kaninang uma­ga  at tila nag-e-enjoy sa kanyang naging sitwa­syon.

Ito ayon kay Panelo ay taliwas sa ipinanga­ngalandakan ni Ressa na nakatatakot ang nang­yayari ngayong  legal acrobatics na naglalayong patahimikin ang mga nasa pamamahayag.

Tanong ni Panelo, paano sasabihing totoo ang mga binibitiwang salita ni Ressa gayong kahit nasa kustodiya ng NBI ay malaya pa rin siyang nakapagsasalita at tuloy-tuloy pa rin sa pagbanat.

Kung tutuusin sabi ni Panelo ay natutuwa pa ang CEO ng Rappler dahil maikokonsiderang isang badge of honor kapag ang isang journalist ay nasampahan ng libel.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top