Thursday , April 25 2024

Poe, re-electionist senators nagbuklod sa alyansa (Para sa estratehikong tagumpay )

IBA’T IBANG partidong politikal man ang pinagmulan, nagbuklod sa isang ‘alyansa’ sina senatorial survey topnotch Grace Poe at iba pang reelectionists tungo sa iisang layunin: himukin ang mga botante para makilahok sa nalalapit na midterm elections.

Sa bahagi ni Poe, opisyal niyang inilunsad ang kanyang kampanya nitong Miyerkoles sa isang political rally sa Tondo, Maynila upang iulat ang kanyang mga nagawa at mga pagsusog upang makarating hanggang sa malalayong lugar ang kanyang plataforma legis­lativa tungo sa makabu­luhang reporma para sa mahihirap.

Dinumog ng mga ta­ga­suporta ang Zaragoza St., sa Tondo upang pa­king­gan ang plataporma ng mga senador sa muli nilang pagbabalik sa tungkulin.

Tinukoy ni Poe, tuma­takbong independiente, ang pagtitipon ay pagpa­pakita ng lakas, pagka­kaisa at estratehikong alyansa ng mga nanu­nungkulang senador.

Nakasama ni Poe ang mga kapwa senador na sina Cynthia Villar ng Nacionalista Party, Maria Lourdes “Nancy” Binay ng United Nationalist Alliance, Joseph Victor “JV” Ejercito ng Nationalist People’s Coa­lition, Juan Edgardo “Sonny” Angara ng Laban ng Demokratikong Pilipi­no at Aquilino “Koko” Pimentel III ng ruling party na PDP-Laban.

Kahit nagmula sa magkakaibang partidong politikal, sinalamin ng kanilang pagkakabuklod ang mahigpit na ugnayan ng mga pinakapopular na senador base sa mga huling pre-election surveys.

“Maligayang Araw ng mga Puso sa inyong lahat! Alam kong ang mga tao ng Tondo ay mga mapagmahal at responsable,” ani Poe.

“Bukas sa Araw ng mga Puso, kahit gaano pa tayo ka-busy o kahit gaano kahirap ang buhay ngayon, tumigil muna tayo sandali para mabati at mahagkan ang ating asawa o kapartner sa Valentine’s Day.  Kung may regalo o bulaklak o tsokolate, bonus na ‘yun,” inspiradong pahayag ng senadora.

“Masaya ako sa aking pagbabalik dito sa Tondo. Wari ko parang dito ako nakatira. Nararam­da­man kong anak ako ng Tondo dahil si FPJ ay inyong kasama.  Pinalaki ako ni FPJ na maging matatag, may puso at masikap na babaeng nasa inyong harapan ngayon upang maibalik ko na­man ito sa inyo,” puno nang kara­ngalang paha­yag ni Poe.

“Ang aking unang anim na taon sa Senado ay puno ng pagsubok. Pinapatnubayan ako ng prinsipyong maglingkod sa taongbayan at manin­digan para sa kanilang interes.

“Kapag gumagawa ng batas, kayo ang nasa aming isipan. Ito ba ay makatutulong sa inyo, makababawas ba ito ng inyong mga ‘pamatok?’ Ito ba ay makatutulong para makamit ang inyong mga nais sa buhay?” pagbabahagi ng senadora sa kanilang mga tagasu­portang nagsidalo sa nasabing pagtitipon.

“Ang National Feeding Program ay isa nang ganap na batas at magmumula ang pondo sa 2019 budget.  Ang mga batang kulang sa nutrisyon ay makakakain nang libre sa ilalim ng batas na ito. Ito ang ating laban kontra sa gutom at kahirapan,” pagtitiyak ni Poe.

“Nakatutok palagi ang ating atensiyon sa mga programang trans­portasyon. Tila lalong lumalala ang traffic kada taon, araw-araw, nagla­laan tayo ng 12 oras sa kalsada. Imo-monitor natin ang rehabilitasyon ng MRT3, konstruksiyon ng mga karagdagang linya, ang MRT7.  Higit pang lumala ang traffic bunsod nang mataas na presyo ng gasolina kaya walang tigil ang ginagawa nating follow up sa distribusyon ng Pantawid Pasada vouchers. Kara­patan ng jeepney owners at operators na tumang­gap nito base na rin sa TRAIN law.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

042424 Hataw Frontpage

Nagprotesta laban sa PUV modernization program
MANIBELA INASUNTO NG QCPD

ni ALMAR DANGUILAN  SINAMPAHAN ng sandamakmak na kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang …

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *