Saturday , July 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Prediksyon sa mga Baboy — ayon sa edad
Prediksyon sa mga Baboy — ayon sa edad

Prediksyon sa mga Baboy — ayon sa edad

UMIWAS sa paglalasing, at ingatan ang inyong cardiac at respiratory system.

Ito ang mga payo ngayong taon at inaasahang ang inyong kalusugan ay magiging normal sa buong 2019. Habang maaaring maging abala sa inyong trabaho, mahalaga para sa mga Pig na maglaan ng panahon para sa ehersisyo at mga outdoor activity, magkaroon ng regular na medical check-up, at pangalagaan ang kalusugan ng inyong puso at baga.

Bukod dito, may indikasyon din ang Pig fortune para sa 2019 sa pagbabawas sa pagpunta sa mga crowded na lugar tulad ng bar at KTV room, dahil maaaring masangkot doon sa mga physical conflict habang nagpapakalasing.

 

Isinilang nang 2007
Edad: 12 anyos

Para sa Pig fortune prediction sa taong kasalukuyan, ito ang taon para sa mga isinilang noong 2007 na magsimulang mag-build-up ng kanilang outlook o pananaw sa mundo, buhay at prinsipyo. Iminumungkahi na agawin nila ang golden time para makapag-impok pa ng karunungan para sa kanilang later career. Mabuting ideya rin ang pakikinig sa mga inilalahad na kasaysayan o karanasan ng kanilang mga magulang at guro para matutuhan ang mga aral mula sa kanila. Mahalaga rin banggitin ang pagbibigay atensiyon sa kanilang daily diet. Umiwas sa pagkain ng sobrang junk food o mga putaheng may mataas na calorie content. Mahalaga rin magbantay sa mga pagbabago ng panahon para mapigilang magkaroon ng ubo, sipon at lagnat.

 

Isinilang Nang 1995
Edad: 24 anyos

Para sa mga taong may edad 24-anyos, ito’y taon ng mga oportunidad at mga paghamon na magkatuwang na kakaharapin ng mga isinilang sa taong 1995. Maaaring maharap sa dead end kung minsan, lalo sa paggawa ng mga creative work o malikhaing trabaho, ngunit makakamit rin naman ng mga Chinese zodiac Pig people ang pagkilala mula sa kanilang mga kliyente at superior. At ukol naman sa kanilang financial condition, kinakailangan nilang matiyak na ang mga pinto at bintana ay nakasara  bago lumabas para hindi manakawan. Iwasan ang pagdadala ng maraming pera at bank card o magsuot ng alahas habang nasa labas ng inyong tahanan o tanggapan. Pinapayohan din sila na mag-focus sa pagmamantina ng pleasant interpersonal relationship sa buong taon ng 2019.

 

Isinilang Nang 1983
Edad: 36 anyos

May indikasyon para sa Pig fortune ng 2019 na magkaroon ng maraming oportunidad para sa career ng mga Chinese zodiac Pig people na isinilang sa taong 1983. Tiyakin lang na maging handa at magpursigi sa bawat oportunidad. Sa sandaling magkaroon ng tsansa para rito, huwag agad magdiwang; mas pinapaboran na agawin ang pagkakataon para magpursigi pang mabuti na makamit ang maganda at matagumpay na resulta. Habang mayroon din pagkakagastusan, hindi kinakailangan mag-impok para mga kinakailangang pagkaka­gasutusan ngunit kailangan magbawas sa ibang dispensable na expenses tulad ng pagbili ng mga luho.

 

Isinilang Nang 1971
Edad: 48 anyos

Maaaring maka-enkuwentro ng mga taong isinilang nang 1971 ang mga ‘ups-and-downs’ base sa Pig fortune sa taong kasalukuyan. Gayonman, makakikita sila ng mga pag-unlad sa kanilang career. Kahit anong hirap na gawain, makokompleto nila ito sa mas madaling panahon. Kaya mas makaaasa ng promotion ngayong 2019. Ngunit habang tumataas ang kanilang suweldo dahil dito, maaaring hindi makaabot ang kanilang wealth condition para makamit ang mga improve­ment sa buhay dahil sa posibleng pagdami ng mga pagkaka­gastusan. Ngayong taon din ay maaaring maharap sa mga karamdaman, kaya ipinapayo na magkaroon ng panahon para sa relaxation mula sa pagtatrabaho at sumunod sa regular na routine para maging fit sa inyong kalusugan.

 

Isinilang Nang 1959
Edad: 60 anyos

Hindi makaaapekto ang Ben Ming Nian sa kapalaran ng mga taong isinilang ng 1959. Maaari pa rin silang mamuhay nang matahimik nang may kaunti lang na pagbabago. Inaabisohan silang manatili sa regular routine ng pamumuhay at panatilihin ang healthy eating habit para sa mabuting body condition. Sa aspekto naman ng yaman, maaaring hindi makamit ang malaking pagbabago rito, partikular sa suweldong natatanggap, ngunit may kaunti rin namang benepisyo para sa ilang investment project na maaaring asahan sa taong kasalukuyan. Bukod dito, iminumungkahi ang karagdagang panahon para sa pagpapanatili ng masayang relasyon sa pamilya.

Halaw ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top