Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies
Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

Presyo ng petrolyo muling inihirit ng gas companies

MULING nagpatupad nang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa ngayong araw, 12 Pebrero, matapos ang katiting na bawas presyo na ipinatupad kamakailan.

Epektibo ngayong 6:00 am, pinagunahan ng Pilipinas Shell,  PTT Philippines , Eastern Petroleum, Phoenix Petroleum, at Petro Gazz ang pagtaas sa presyo na P0.90 kada litro ng gasolina, P0.55 kada litro sa diesel at P0.85 kada litro sa kerosene.

Asahan na magsusunurang magpatupad ng pagtaas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo ang ilan pang malalaking kompanya ng langis gayondin ang maliliit na kompanya sa kahalintulad na halaga.

Ang oil price hike na ipinatupad sa mga petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyohan nito sa pandaigdigang pamilihan. (JAJA GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top