Friday , April 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Poe, kahit topnotcher na mapagpakumbaba pa rin
Poe, kahit topnotcher na  mapagpakumbaba pa rin

Poe, kahit topnotcher na mapagpakumbaba pa rin

SA pitong survey sa pagka-senador para sa May 2019 midterm election, napatunayan na mahihirapan ang mga katunggali ni Senator Grace Poe para pataubin ang senadora sa pagiging topnotcher o number one.

Ibig sabihin lamang nito, puwede nang ipagsigawan ng kampo ni Poe maging ng milyon-milyong patuloy na nagtitiwala sa kanya na… “Ikaw na nga!” Yes, ikaw na nga ang tiyak na magiging number one sa pagka-senador sa Mayo 13, 2019.

Kumbaga, hindi lang tiyak na mananatili sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso si Poe kung hindi, makatitiyak na naman ang milyon-milyong Filipino na mayroon silang kakamping Senador na magtatanggol at maglilingkod sa kanila.

Sa kabila ng mga positibong resulta, kahanga-hangan ang Senadora. Bakit? Wala ka man lang nakikitang yabang sa kanya. Hindi tulad ng ibang kanditato na kapag nakaaamoy na sila ng pagkapanalo ay nag-iiba na ang kanilang ugali. Yumayabang na o feeling senador na pero si Poe, tahimik at patuloy na nagtatrabaho para sa bayan.

Bukod diyan, makikitang mapagkumbaba pa si Poe dahil sa kabila nang lahat ay natatakot pa rin siya sa kanyang kandidatura. Oo kahit na panay ang kanyang pagiging number one sa mga survey. Pinangunahan niya ang pitong survey.

Pero kahit na natatakot pa rin ang Senadora, naniniwala naman ang nakararaming political strategists na mahirap nang bakbakin ang senadora sa pagiging topnotcher sa halalan sa Mayo.

Pero si Poe ay masasabing napaka-humble pa rin– ayaw niyang magpakampante …ayaw pa niyang ipagsigawan na tiyak na uli ang kanyang pagkapanalo …at pagiging number one pa.

‘Ika nga ng Senadora…”You’re human, you feel flattered, and it’s very heartwarming that people continue to trust you. What I’m doing is I’m not being kampante about any of this.”

Iyan ang Senadora ng taongbayan, kahit na sinasabi na hindi nagbabago ang kanilang pagtitiwala sa kanya kung kaya number one siya sa pitong survey, ayaw ni Poe na umupo na lamang sa isang sulok at sa halip, patuloy pa rin siya sa pagkayod.

Tama naman. Hangga’t hindi pa nga naman natatapos ang eleksiyon ay ‘wag maging kampante.

Pero ayon kay STORM Consultants strategist Perry Callanta, dapat na magkampante na si Poe dahil mahirap siyang tibagin sa pangunguna.

“Paano masisibak sa pagiging topnotcher si Poe kung malakas pa rin ang ‘FPJ Magic’ na kitang-kita sa pag-angat din ni Lito Lapid sa huling survey ng Social Weather Station (SWS) sanhi ng kanyang papel sa seryeng ‘Ang Probinsyano’ sa ABS-CBN,” ani Callanta.

“Kung hindi lang bawal na ngayon, dapat naisip ni General ‘Bato’ dela Rosa na gumanap kahit extra lang siya sa seryeng pinagbidahan ni Coco Martin, ewan ko lang kung hindi siya umangat sa top 5 sa mga survey,” dagdag ni Callanta.

Iginiit ni NEXTGEN multimedia group managing director Albert Gamboa na mangunguna talaga si Poe sa mga survey dahil sa political will na ipinakita nito at sa pagkalinga sa mga bata.

“Ang paggiit niya na bawiin ng DOTr (Department of Transportation) ang P1 milyong multa sa mga kolorum na bus ay malaking bagay at sa paninindigan na manatili ang minimum age of criminal responsibility sa 15-anyos ay dapat lang talaga na maging topnotcher siya,” diin ni Gamboa.

Matatandaan na si Poe ang naging topnotcher noong 2013 senatorial elections sa pagtatamo nang mahigit 20 milyong boto at posibleng maulit ito sa Mayo dahil sa patuloy na pangunguna sa mga survey.

AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top