Monday , May 20 2019
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Iba talaga ang kamandag ni Dayan
Iba talaga ang kamandag  ni Dayan

Iba talaga ang kamandag ni Dayan

DINAIG pa raw ni Ronnie Dayan si Senator Leila de Lima, kung sitwasyon sa piitan ang pag-uusapan.

Si Ronnie Dayan ang ex-lover ng ex-Justice secretary ay kasalukuyan umanong nasa ‘espesyal na kubol’ sa loob ng National Bilibid Prison (NBP) na hindi basta-basta mapapasok hangga’t walang go signal.

Pero kung ‘favorite’ niya ang dalaw, timbrado na ‘yan, pasok agad.

Higit sa lahat, hindi nawawalan ng mobile phone si Dayan sa kanyang espesyal na kubol?!

Totoo ba ang mga impormasyon na ‘yan?!

Aba, Justice Secretary Menardo Guevarra, mukhang nakalulusot na naman ang mga may control ng ‘VIP system’ sa Bilibid?!

Huwag kalimutan na mabigat ang sentensiya kay Dayan, paano niya nagagawang maging VIP sa Bilibid?
Mukhang kakaiba talaga ang kamandag ni Dayan.

Paki-rekorida lang po, Justice Secretary Guevarra!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top