Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Duterte dumalaw sa puntod ng ina
Duterte dumalaw sa puntod ng ina

Duterte dumalaw sa puntod ng ina

DINALAW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang ina sa Davao Public and Roman  Catholic Ceme­tery kamakalawa ng gabi.

Ang pagbisita ay kaugnay ng ika-pitong taong paggunita sa death anniversary ni Nanay Soledad “Nanay Soling” Roa Duterte na pumanaw noong 2012.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Lawrence “ Bong” Go, 11:00 pm sila dumating ng Pangulo sa puntod ni Nanay Soling.

Bago ito ay binisita muna ng Chief Executive ang mga pamilyang nasa area ng Patikul, Sulu na isa sa mga lugar na inilulunsad ang mas pinaigting na military operation kontra Abu Sayyaf.

Nauna rito’y nakipag­pulong ang Pangulo kina Defense Chief Delfin Lorenzana  at Labor Secretary Silvestre Bello sa Davao.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top