Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Chinese lunar year panibagong inspirasyon sa PH at China
Chinese lunar year panibagong inspirasyon sa PH at China

Chinese lunar year panibagong inspirasyon sa PH at China

KAISA si Pangulong Rodrigo Duterte ng Fili­pino-Chinese commu­nity sa pagdiriwang ng lunar new year.

Sa kaniyang men­sahe, sinabi ng pangulo ang pagkakaibigan at kooperasyon na nasel­yohan sa pagitan ng Filipinas at China ay hindi lamang nagdulot ng malaking kaginha­waan at paglago ng eko­no­miya para sa parehong bansa, kundi nagbigay din ng pagkakataon para mapa­ngalagaan ang ka­kaibang kultura ng bawat isa.

Hangad ni Pangulong Duterte na ang bagong taon na ito ay magdala ng panibagong pag-asa, inspirasyon at mas mara­mi pang achievements para sa Filipino-Chinese community at ng buong bayan.

Ayon sa Pangulo, sa pagtutulungan ng dala­wang bansa ay mapabu­buti pa ang values, ideals nito para sa ka­payapaan at pagka­kaunawaan sa gitna ng mga hamon sa hina­harap.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top