Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Access sa SALN malabo
Access sa SALN malabo

Access sa SALN malabo

HINDI klaro ang pali­wa­nag ni House Majority Leader at  Capiz co­ng­ress­­man Fredenil Castro na mas madaling  ma­kaa-access ang publiko sa SALN ng mga mamba­batas sa pinagtibay na House Resolution 2467.

Ito ay ang panga­nga­ilangang maa­pro­bahan muna ng mayorya sa plenary session nang higit 200 kongresista ang isang kahilingang maisapubliko ang SALN ng isang mam­babatas.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi niya alam kung paano iintindihin ang lohika ni Castro sa ilalim ng bagong panun­tunan sa pagkuha ng statement of assets and liabilities ng isang par­tikular na miyembro ng Kamara.

“Burden” pa nga ito para kay Panelo gayong napakarami pang dara­anan na mga kongresista para makuha ng isang requesting party ang approval nila at sa huli’y makuha ang hinihiling na SALN.

Hiling ni Panelo, sana’y muling dumaan ito sa deliberasyon dahil kung hindi, baka lalo pang dumami  ang mga tanong na umusbong.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top