Thursday , August 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora Aunor is Nora Aunor, walang makapapantay — Ibyang
Nora Aunor is Nora Aunor, walang makapapantay — Ibyang

Nora Aunor is Nora Aunor, walang makapapantay — Ibyang

SOBRANG natuwa si Sylvia Sanchez nang ialoak sa kanya ang Jesusa kaya tinanggap niya ito kaagad na dapat sana ay para kay Nora Aunor.

Ang Jesusa ay mula sa OEPM o Oeuvre Events and Production Management na idinirehe naman ni Ronald Carballo.

Ayon kay Sylvia, “naging honest sila sa akin na second choice ako. Hindi naman ako nasasaktan eh. Kasi sa ‘Be Careful With My Heart’ hindi ako first choice roon. Maraming projects na hindi ako first choice, pero sa akin napupunta at ako ang suwerte. Hindi importante sa akin kung sino ‘yung first choice nila. Ang importante sa akin, sa akin napunta at gagampanan ko ng buong-buo.

“Maganda ‘yung proyekto as in maganda. ‘Pag napanood niya, hindi ko alam, baka ayaw niyang gawin kasi hindi niya talagang gustong gawin, kung anumang rason.

“Mayroon din nga kasing nagtatanong sa akin ng ganito na sinasabihan nila ako na ngayon pa lang inaano nila ako kay Ate Guy na parang, ‘After Ate Guy, ikaw na ‘yung sunod. Ano ang pakiramdam?’

“’Yung parang ikinu-compare ako kay Ate Guy. Gusto ko lang sabihin sa inyo rito na, please huwag niyong gawing i-compare ako kay Ate Guy. Kasi ni katiting sa narating ni Ate Guy, hindi ko narating iyon.

“Ate Guy is Ate Guy, no comparison. Irespeto natin ang Superstar dahil pinaghirapan ni Ate Guy iyan. Isa ako sa may respeto at humahanga kay Nora Aunor, sa Superstar natin. At kahit anong mangyari, kahit hindi niya ito nagawa, ako ang gumawa lalapit pa rin ako sa kanya at sasabihin ko na walang yabang, ‘Ikaw pa rin ang nasa top. Ikaw pa rin ang nirerespeto ko. Ikaw pa rin ang nag-iisang Nora Aunor!’ Nora Aunor is Nora Aunor! Walang makapapantay, walang makalalagpas!” pagkatapos sabihin ito ng aktres ay palakpakan ang lahat ng mga katotong humahanga kay Ate Guy.

Mga kaibigan ni Daddie Wowie Roxas ang producers ng Jesusa na sina Junell Rayos at Jean Hidalgo na nagtayo ng OEPM Productions.

Nabanggit pa na sa ibang bansa muna ito ipalalabas bago sa Pilipinas.

Ang makakasama ni Ibyang sa Jesusa ay ang award winning actor na si Allen Dizon gayundin sina Ynez Veneracion, Mara Lopez, Malu Barry, Vince Tanada Beverly Salviejo, Dean Rafols, OJ Bacor, James Lomahan at may special participation sina Fanny Serrano at Mon Confiado. Introducing si Uno Santiago na bagong alaga ni Daddie Wowie.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top