Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga politiko sa Ang Probinsyano, isa-isa nang nawawala
Mga politiko sa Ang Probinsyano, isa-isa nang nawawala

Mga politiko sa Ang Probinsyano, isa-isa nang nawawala

MARAMI ang nagtatanong kung ano na ang mangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano kapag isa-isang nang natsugi ang mga politikong actor na kasali rito.

Una nang pinatay sa istorya si Roderick Paulate na gumaganap bilang  mayor. Balitang susunod na sina Edu Manzano at Mark Lapid.

Maging si Ryza Cenon nga hindi naman kakandidato ay tinuldukan na ang karakter na ginagampanan, ang anak ni Rowell Santiago. Kailangan na kasi si Ryza sa bagong seryeng pinagbibidahan ni Angel Locsin, ang The General’s Daughter.

Ang malaking tanong, paano kung si Sen. Lito Lapid naman ang  tatanggalin? Ano ang mangyayari sa grupo nila ni Coco Martin, ang Vendeta?

Napapansin ding napakatapang ng mga eksenang patayan sa ilang eksena. Tulad ng pagpatay ni Eddie Garcia sa isang may pagnanasa sa girlfriend niyang si Ivana Alawi. Binaril niya ito na animo’y isang ibon lang.

Nasa prime time ang Ang Probinsyano  at napapanood sila ng mga bata. Paano ito nakalulusot saMTRCB?

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top