Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Cathay Pacific, viral sa social media sa maling spelling
Cathay Pacific, viral sa social media sa maling spelling

Cathay Pacific, viral sa social media sa maling spelling

MULING pinunturahan ang eroplano ng isang Hong Kong based airline matapos ang kapansin-pansing typographical error sa pangalan ng Airline Com­pany. 

Sa twitter, ini-post ng Cathay Pacific ang larawan ng eroplano na bagong pintura pero ang nakalim­bag na pangalan ay “Cathay Paciic” na kulang ng letrang F.

Nagbiro pa ang airline company sa kanilang tweet at sinabing saan ibabalik ang nasabing eroplano sa paint shop.

Ang ibang netizens, ginawang katatawanan ang pagkakamali at gumawa pa ng mga memes para maresolba na ang pro­blema.

May ilan namang ser­yoso ang reaksiyon sa nangyari at sinabing kung sa spelling lamang ay nagkakamali pa ang Cathay Pacific, paano pa kaya sa engineering ng eroplano.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nagka­mali ang pintura ng isa sa eroplano ng Cathay Pacific dahil noon, ang brushwing ng logo ay baliktad ang pagka­kapintura.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top