Sunday , May 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tisay na aktres, napagkamalang beki
Tisay na aktres, napagkamalang beki

Tisay na aktres, napagkamalang beki

NAULINIGAN lang namin ang kuwentong ito mula sa umpukan ng mga walwalero, isa kasi sa kanila’y nagtatrabaho sa isang high-end shop.

Tungkol ‘yon sa sisteret ng isang aktres-politiko na nasa showbiz din.

“May binibili siyang gamit sa store namin. Nagkataong ‘di niya bet kunin ‘yung naka-display. Ang gusto niya, bagong stock kaso naubusan na kami. Ang halaga ng binibili niya, eh, P55,000. Hindi niya ‘yon ika-card, cash niya ‘yon babayaran,” kuwento ng isa sa mga manginginom.

Hindi ito ang punchline sa kuwento. Kapansin-pansin daw kasi ang pagiging mukhang beki ng aktres na dyupatembang ng aktres-politiko.

“Tulad ng ate niya, eh, Tisay din siya. Kaso fully made up siya noong pumasok sa store. Nagkatinginan na lang kami ng mga kasamahan ko, iisa lang ang nasa isip namin…mukha siyang bakla!” natatawa pa itong sabi.

Da who ang aktres na ito na may ate na nasa showbiz at politika rin? Itago na lang natin siya sa alyas na Rica Cruz. (Ronnie Carrasco III)

 

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top