Friday , March 29 2024

Sky Sports Pay-Per-View ng Skycable palpak!

MARAMING umangal sa serbisyo ng Sky Sports pay-per-view kahapon sa panonood ng Pacquiao-Broner fight.

Hindi mo hahamakin kung gaano karami ang nagbayad ng P949  sa pay-per-view ng Sky Sports. ‘Yan ay para first-hand nilang mapanood ang laban ni Manny Pacquiao.

Pero nabuwisit ang mga PPV viewers lalo sa Parañaque area dahil biglang naputol ang kanilang panonood.

Anyare Sky Sports?!

Palpak kayong masyado!

Kahit isauli pa ninyo ‘yung ibinayad ng viewers hindi na ninyo kayang ibalik ‘yung momentum na gusto sana nilang maranasan sa panonood sa PPV.

Kumbaga, nang-inis lang kayo dahil nabitin sila.

Kasi kung hindi ninyo kayang igarantiya na hindi masisira ang koneksiyon, huwag na kayong mag-alok. Magtitiyaga na lang ang viewers na sumubaybay sa social media o kaya hintayin ‘yung oras na ipapalabas sa local channel.

Uulitin lang po namin ang sabi ng mga nagbayad ng P949 para sa PPV ng Sky Sports —

PALPAK ang Sky Sports ng Sky Cable!

Boo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *