Wednesday , April 24 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Rest in Peace Chairman Peter…
Rest in Peace Chairman Peter…

Rest in Peace Chairman Peter…

PAGKATAPOS ng labang Manny Pacquiao at Adrien Broner nung Linggo, pinasadahan natin ang halos lahat ng boxing websites sa internet at lahat ng sports writers ay “bow” sa naging performance ng Pambansang Kamao.

Sa madaling salita—lahat ay bumilib sa ating fighting Senator na napanatili pa rin ang lakas, bilis at diskarte sa ring sa edad na 40.

Pero ano nga ba itong sinasabi ni Broner na naniniwalang nanalo siya sa nasabing laban?

“I beat him,” pahayag niya. “Everybody out there knows I beat him. I controlled the fight, he was missing. I hit him clean more times and I beat him.”

Ano iyon, nananaginip pa rin si Broner sa tindi ng inabot na suntok sa kanya ni Pacman?

Paano nga bang mananalo si Broner kung halos hindi siya sumusuntok at panay ang atras?

Sa stats ay nairehistro ang pagbato ni Pacquiao ng 47 suntok kada round at halos kalahati lang ang naibato ni Broner.  Limitado ang tumamang suntok na iyon sa single-digit samantalang si Pacquiao ay may double-digits sa limang pagkakataon.

Saka mahirap kontrahin ni Broner ang official verdict ng tatlong hurado na ibinigay lahat ang iskor kay Pacquiao.  Dalawa sa hurado ang nag-iskor ng 116-112 at ang isa ay 117-111.

Kung split decision pa, makakaangas pa si Broner.  Pero unanimous decision nga kaya mahirap kontrahin kahit saan pang husgado siya magpunta.

Inaantok pa nga siguro si Broner.   Dapat niyang itulog iyon.  Baka sa panaginip ay siya nga ang nanalo.

0o0

Inilibing noong Sabado ang kaibigan nating si Chairman Peter Bautista sa La Loma Cemetery.

Marami ang nakipaglibing na mga kaibigan at constituents sa palengke ng Blumentritt, mga politiko, mga kaibigan sa jogging sa Chinese Cem, mga kamag-anak na nanggaling pa sa malalayong probinsiya, at mga taong naniniwalang isang mabuting tao si Chairman Peter.

Kaming lahat ay nananawagan ng HUSTISYA sa  kamatayan ni Chairman Peter.

Nananawagan kami sa kapulisan na tumututok sa imbestigasyon.  At umaasa ang lahat na mahuhuli sa lalong madaling panahon ang mga hitmen na walang awang bumaril at pumatay kay Chairman Peter.   Siyempre, kasama dapat ang utak ng krimen.

KUROT SUNDOT
ni Alex Cruz

About Alex Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top