Thursday , July 18 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacquiao ginulpi si Broner
Pacquiao ginulpi si Broner

Pacquiao ginulpi si Broner

PINATUNAYAN ni eight-division world champion Manny Pacquiao na tigasin pa rin siya kahit 40 anyos na ito.

Ginulpi ni Pinoy icon ang Amerikanong si Adrien Broner upang sikwatin ang WBA (regular) welterweight crown via unanimous decision kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.

Pinasaya ni Pacquiao ang kanyang mga fans matapos paglaruan sa gulpi si 29-year-old Broner sa rounds 7, 8 at 9, kaya naman halos ayaw nang sumuntok ng kalaban.

Tampok sa round nine nang pakainin ng kamao ni Paquaio si Broner kung saan ay muntik na itong mapatihaya.

Naiskoran ang nasa­bing laban ng 117-111, 116-112, 116-112 pabor lahat kay Pacquiao.

Pagkatapos desi­syu­nan ang laban, nasabi ni Pacquiao sa kanyang inter­view na gusto niyang maka­laban ang wala pang talong si Floyd May­weather.

Naging agresibo si Pacquiao sa simula pa ng laban at hindi nagbago ang kanyang bilis hanggang sa dulo ng laban.

Nirehistro ni Pacquiao ang kanyang pang 61 na panalo sa kanyang career. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top