Wednesday , June 26 2019
Breaking News
You are here: Home / Sports / Pacman dinomina si Broner
Pacman dinomina si Broner

Pacman dinomina si Broner

BIGO si Senador Manny Pacquiao na mapatulog sa laban si Adrien Broner pero hindi naman niya binigo ang kanyang fans na makita sa ring ang dating Pacman na mabilis, matikas at todo bigay kung sumuntok.

Sa nasabing laban ay pinatunayan lang ni Manny Pacquiao na hindi pa sagabal sa kanya ang edad na 40 para patunayan na nasa mataas na level pa rin siya ng kompetisyon sa welterweight division.

Aba’y hindi basta-basta si Broner na isa ring four-division champion at nagtataglay ng kartang 33-4-1, 24 KOs.

Impresibo pa rin ang laro ni Pacquiao na dinomina ang mas batang kalaban sa loob ng 12 rounds.  116-112, 116-112, 117-111 ang pinal na iskor ng tatlong judges.

Nangangahulugan lang iyon na dominado ni Pacquiao ang buong laban.

Siyempre, hindi mawawala ang mga miron sa boksing na negatibo ang dating na laban sa kanila.   Maririnig mo sa kanila na bumaba na ang laro ni Pacquiao.  Marahil bigo lang sila na makita na humiga sa lona si Broner.

Kung pag-aaralan mo ang laro ni Pacquiao at ikukumpara ang laro niya noon at ngayon, meron na ngang nagbago.  Bumaba na nga ang laro niya.

Pero teka,  hindi nangangahulugan iyon na todo-laos na ang ating Pambansang Kamao. Dahil bumaba nga ang level niya sa kompetisyon ay halos kapantay pa rin niya ang level ng kasalukuyang magagaling na boksingero sa kanyang division.

Nangangahulugan lang iyon na noon ay super-mega ang galling niya kung kaya bumaba man  ang kanyang laro ay kahanay pa rin niya ang magagaling na boksingero sa kasalukuyan.

Sa post inverview kay Pacman, hinahamon niya si Floyd Mayweather sa isang rematch.

Posibleng mangyari iyon.  Aba’y pasakalye na ang labang Pacquiao-Broner sa boxing fans.  Di ba’t hawig ang istayl ni Broner kay Floyd.   Parang sinukat lang ni Pacman ang posible niyang susunod na laban.

At take note, naroon sa laban ng Broner-Pacquiao si Mayweather para pag-aralan ang laro ngayon ng Pinoy champ.

About Alex Cruz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top