Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, abala sa pagpo-promote ng album ni John Rendez
Nora, abala sa pagpo-promote ng album ni John Rendez

Nora, abala sa pagpo-promote ng album ni John Rendez

PUSPUSAN na ang pagpo-promote ng Superstar na si Nora Aunor sa album ng kanyang partner na si John Rendez. And take note, nag-create pa ito ng Viber group para maya’t mayang masabi sa group chat na tangkilikin sa Spotify ang kantang ginawa ni Jonathan Manalo ng Star Music.

Start All Over Again ang titulo ng kantang magiging available na in all digital platforms simula ngayong araw, January 18. Sa kabila ng kaabalahan niya sa taping ng Onanay sa GMA-7, prioridad ng Superstar na maalagaang muli at maibalik ang nanahimik na career ng singer-songwriter. At sa kaabalahan din naman ng Superstar sa Onanay, natanggihan nito ang inilapit na proyekto sa kanya ni Direk Ronald Carballo, ang Jesusa na proyekto rin ng malapit sa puso niyang si Albert Sunga. Kaya si Sylvia Sanchez na ang nakuha for the role.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top