Friday , July 19 2019
Breaking News
You are here: Home / News / DBM parang megamall… P37-B ibinayad sa consultants kinuwestiyon

DBM parang megamall… P37-B ibinayad sa consultants kinuwestiyon

KINUWESTIYON ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang P37-bilyong bidding ng Department of Budget and Management (DBM) para sa consultancy sa iba’t ibang proyekto ng gobyerno.

Ani Andaya, hindi lamang bidding ang ginawa ng DBM para sa multi-billion big-ticket infrastructure projects, naging one-stop mega­mall rin ito para sa mga consultant na nag-bid para sa malalaking hala­gang kontrata.

Isiniwalat ni Andaya na hawak nila ang mga dokumentong magpa­patunay na noong naka­raang 2018 ang DBM Procurement Service ay nagpa-bid ng P37 bilyon para sa consultancy sa mga proyekto ng gobyer­no.

Aniya, ang pinakama­laking kontrata ay nagka­kahalaga ng P14.3 bil­yones para sa Project Management Consultancy ng PNR South Long Haul Project ng North-South Railway Project. Nai-award ito noong 31 Oktubre 2018.

Halos P11.7 bilyones ang ipina-bid para sa General Consultancy ng Metro Manila Subway Project Phase 1 (Valen­zuela-Parañaque) na nai-award noong 18 Oktubre 2018.

Ani Andaya, isa pang kontrata ang ipina-bid ng DBM para sa General Con­sultancy ng Metro Manila Subway Project Phase 1 sa halagang P11.7 bilyones.

Paliwanag ni Anda­ya, ang P37-bilyong kon­trata para sa mga con­sultant ay bahagi ng P168-bilyon pondo na ipinasa ng  Department of Tran­sportation sa DBM Pro­curement Service upang ipa-bid.

Ang mga dokumento ay nanggaling kay Bingle Gutierrez, Executive Director ng DBM Pro­curement Service noong nag-testify sa pagdinig ng House Rules Committee nitong Martes, 15 Enero 2019.

“Para talagang mega­mall na ng kontrata ang DBM. Hindi lang contrac­tors at suppliers ang pu­mipila sa DBM para makakuha ng kontrata. Pati pala mga consul­tants, pumipila na rin doon,” ani Andaya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top