Thursday , October 9 2025

Localized peace talks’ isinusulong ni Imee Marcos

INIHAYAG ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos ang kanyang pananaw sa mga isyu ng cheaper medicine law, localized peace talks at iba pang maiinit na usapin sa bansa nang maging panauhin kahapon sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Cafe Adriatico, Malate Maynila. (BONG SON)

SA paniniwalang mas ma­ka­bubuti ang pagkakaroon ng localized peace talks sa mga komunistang gerilya bilang ‘innovation worth pursuing’ binigyang halaga ni Ilocos Norte governor Maria Imelda Josefa ‘Imee’ Marcos ang madaliang pagpapatuloy sa nasabing paraan ng pagkamit ng kapa­yapaan upang mawa­kasan na ang karahasan.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Manila, idiniin ng gobernadora ang importansiya ng pagwa­wakas sa hostilidad sa pagitan ng pamahalaan at mga komunista dahil ito ang paraan para mapabilis ang planong makamit ang kaun­laran at matatag na eko­nomiya para sa bansa.

Ipinaliwanag ni Marcos, panganay na anak na babae ng yumaong dating Pangu­long Ferdinand Marcos, na naniniwala siyang mas magiging epektibo ang localized peace talks dahil ang karamihan sa mga local chief executive (LCEs), partikular sa mga rehiyon at lalawigang tinukoy na may puwersa ang mga rebelde, ay pamilyar kung sino ang sumusuporta o mga miyem­bro ng Communist Party of the Philippines (CPP), lalo ang armadong New People’s Army (NPA).

“Kailangan madaliin ito at idaan na lamang sa lokal na usapang pangkapayapaan dahil kilala naman nila (LCEs) kung sino-sino ang mga NPA commander sa kanilang lugar,” diin ni Marcos.

Idinagdag ng goberna­dora na ang pagsasagawa ng localized peace talks ay sumusuporta sa direktiba mula kay Pangulong Rodrigo Duterte na humihiling para sa local na pakikipag-dia­logo sa mga kommu­nistang rebelde imbes paggamit ng sinasabing ‘backdoor channels.’

“Dapat maging agresibo ang PNP (Philippine National Police) at ang AFP (Armed Forces of the Philippines) sa kanilang operasyon laban sa mga rebelde at dapat mayroong guidelines sa usapang pangkapayaan dahil marami silang maga­gawa kung idadaan sa lokal ang peace talks,” aniya.

Para pagtibayin ang kan­yang pananaw, binang­git ng gobernadora ng Ilo­cos Norte ang regular na pakikipagpulong sa ilang NPA commander, na kanilang natulungan at nabigyan ng ayuda sa nakalipas, parti­kular ang mga pamilya nila, upang makabalik sa main­stream at mamuhay nang normal.

“Mas mainam talaga kung mag-uusap sa lokal dahil kilala naman nila ang isa’t isa kaya’t madali agad maresolba ang kanilang mga hinaing o mga demand sa gobyerno,” pagtatapos ni Marcos.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

John Calub ibinida Miracles Protocol PEMF gustong ipasubok kay Kris Aquino

John Calub ibinida Miracles Protocol, PEMF, gustong ipasubok kay Kris Aquino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA and istorya ng negosyanteng si John Calub na sa pagnanais na makatulong …

PSC Elite Link

PSC at Elite Link, inilunsad ang Digital Platform para Suportahan ang mga Atletang Pilipino, Simula sa Batang Pinoy

INILUNSAD ng Philippine Sports Commission (PSC), katuwang ang Elite Link, Inc., ang Elite Link—isang makabagong …

SM Super Spelling Bee 2025

SM Super Spelling Bee 2025: Young Word Wizards Shine at the Grand Finals

AFTER months of grueling eliminations held across the country, the nation’s most talented young spellers …

John Calub Biohacking frequency healing

Biohacking at frequency healing ni John Calub, may hatid na pag-asa sa may malubhang sakit

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIKILA ng madla si John Calub bilang success coach, isang …

Josh Mojica Socia Jed Manalang MCarsPH Reiner Cadiz Gabriel Go

Josh Mojica iginiit malapit nang maging milyonaryo, nagbabayad ng tamang buwis

RATED Rni Rommel Gonzales EKSKLUSIBONG nakausap namin sa The New Music Box Powered By The …