Thursday , November 13 2025

Makasaysayang 20-team field, paparada sa DLeague

DALAWAMPUNG koponan ang magbabakbakan sa maka­saysayang 2019 PBA Develop­menta League ngayong taon na lalarga sa 14 Pebrero sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Gigiyahan ng nakaraang kampeon na Go For Gold ang pinakamalaking bilang ng koponan sa kasaysayan ng semi-professional league para sa misyong masungkit ang back-to-back titles.

Hindi naman magiging madali ang misyong iyon ng Scratchers lalo’t ang UAAP king na Ateneo at NCAA champion San Beda ang pinakamalaking balakid sa kanilang daan.

Hindi rin pahuhuli ang back-to-back runner-up na Che’Lu Bar and Grill na tang­kang makuha sa wakas ang mailap na titulo kasama ang mga beterano sa DLeague na CEU, Marinerong Pilipino, Batangas-EAC, AMA Online Education, Perpetual, St. Clare at Wangs Basketball.

Kasama rin sa makasay­sayang torneo ang mga UAAP teams na FEU, UST at NU gayondin ang mga koponan sa NCAA na Letran at San Sebastian na hangarin lahat na makapagpalakas at magpa­kondisyon bago ang simula ng kanilang liga ngayong taon.

Masusubok din ang kilatis ng mga bagito sa DLeague na Diliman College, Phoenix-Enderun, Trinity College at McDavid na komompleto sa 20-team field ngayon ng DLeague.

Ito na ngayon ang pinaka­maraming bilang ng koponan sa kasaysayan ng DLeague simula nang maitayo ito noong 2010.

Sa unang pagkakataon din, isang mahabang season na lamang ang DLeague kompara sa mga nakaraang taon na may dalawang conference ang liga tulad ng Aspirants’ Cup at Foundation Cup.

Bilang kulelat sa dalawang komperensiya noong nakaraang taon, ang AMA Titans ulit ang pipili ng first overall pick sa 2-19 PBA Dleague Draft na gaganapin sa 15 Enero. (JOHN BRYAN ULANDAY)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Bryan Ulanday

Check Also

PSC BSC MSU

Marawi, Umuusbong Bilang Lupain ng Pangako para sa mga Talento sa Palakasan

LUNGSOD NG MARAWI — Sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), Bangsamoro Sports Commission (BSC), …

DSAS

DSAS balik sa Megatrade Hall ng SM Megamall

DAMHIN ang pangunahing palabas ng mga baril, kaligtasan, at responsableng pagmamay-ari sa bansa sa Nobyembre …

bagyo

Live shows, basketball games, out of town kanselado kahapon 

I-FLEXni Jun Nardo KANSELADO ang ilang live shows at out of town appearances ng ilang …

Carlos Yulo GAP Gymnastics

World Junior Meet malaking ambag sa pagpapaunlad ng Gymnastics sa Pilipinas

ANG pagsasagawa ng ika-3 FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships sa bansa ay inaasahang magdudulot …

Alas Pilipinas FIVB Volleyball Girls U17

Alas Pilipinas girls team pasok sa 2026 FIVB Volleyball Girls’ U17 World Championship

AMMAN, Jordan — Nakapagtala ng makasaysayang tagumpay ang Alas Pilipinas girls team matapos masungkit ang …