Thursday , April 25 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden, kailangan pa rin si Maine
Alden, kailangan pa rin si Maine

Alden, kailangan pa rin si Maine

NATATAWA kami roon sa mga statement ni Alden Richards na parang ang punto ng sinasabi ay ok lang sa kanya na wala na ang AlDub dahil kailangan naman nilang mag-grow bilang mga artista.

Kung sa bagay may punto, na kailangan naman nilang umasenso sa kanilang acting. Pero dapat alalahanin ni Alden na ang tagal na niya sa showbusiness, apat na taon na siyang artista noon. Binigyan naman siya ng lahat ng klase ng build-up, pero sumikat lang siya nang husto nang hindi sinasadyang mai-partner kay Maine Mendoza.

Iyong gimmick at iyong charm ni Maine ang naging dahilan ng pagsikat din ni Alden. Kung ang nakatuwaan noon ni Maine ay ibang actor, sisikat din iyon. Pasalamat na nga lang si Alden at siya lang ang nag-iisang matinee idol noon sa Eat Bulaga dahil kung mayroong iba na mapagpipilian, hindi siya siguradong siya nga iyong sisikat. Noong inihiwalay naman siya kay Maine, ano ba ang naging rating niya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top