Monday , September 16 2019
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon
‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon

‘Kidnap-torture joke’ ni Digong vs COA nagpahina sa laban vs korupsiyon — Solon

ANG mga biro ni Pangu­long Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit (COA) ay senyales ng kanyang pang-aaba sa pananagutan gayondin sa checks and balances.

Ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin mistulang ibina­sura ng pangulo ang kanyang kam­panya laban sa korupsiyon dahil sa mga kagayang patut­sada.

“The joke will be on all of us Filipinos if we don’t call him out on this as well as his misogyny and attacks against demo­cratic institutions,” ani Villarin.

Ayon kay Villarin, hindi dapat nagbibiro ang pangulo tungkol sa ‘kid­nap at torture’ sa mga tauhan ng COA dahil ito’y mag bibigay ng takot sa mga lingkod-bayan na gawin ang kanilang trabaho.

Pinaalalahanan ni Villarin si Duterte na siya ay isang lingkod-bayan na nanum­pang magsilbi sa bayan.

Paliwanag ni Villarin, ipina­walang bisa ni Du­terte ang umano’y laban niya sa katiwalian bunsod ng mga ‘joke’ kagaya ng kayang binanggit.

Ang COA ay naging instrumento sa pag­bubun­yag ng katiwalian sa Depart­ment of Tou­rism, PhilHealth, PCOO, at iba pang sangay ng gobyerno. 

Ito rin ang humarang sa paglustay ng kaban ng bayan sa Davao City sa halagang P570 milyon na walang kaukulang dokumento noong 2017.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top