Sunday , April 21 2019
Breaking News
You are here: Home / Opinion / Kamay ni L-ingkod-bayang I-nyong M-aaasahan, itataas ni Ka Digong
Kamay ni L-ingkod-bayang I-nyong  M-aaasahan, itataas ni Ka Digong

Kamay ni L-ingkod-bayang I-nyong M-aaasahan, itataas ni Ka Digong

BAGO po tayo umarangkada mga ‘igan sa mga isyung ating pag-uusapan, hayaan n’yo po munang pasalamatan natin si Meralco-Tutuban Relationship Manager Ryan Gutierrez sa kanyang mabilisang aksiyon sa mga problemang kinakaharap, partikular ng isang residente sa Brgy. 186 Zone 16, Tondo, Maynila, na kahit disoras ng gabi’y nagawang resolbahin.
At sampu ng kanyang masisipag at matitiyagang crew, aba’y pinuntahan pa ang nasabing lugar. Wow! Mabuhay ka Boss Ryan! Isa kang tunay na lingkod-bayang maaasahan!
Keep it up Bossing…


Matunog na matunog at tunay na pinag-uusapan sa Maynila mga ‘igan ang pagpili ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kung sino sa tatlong kandidato para sa pagka-Mayor ang kanyang iiendoso, kasabay ng pagtataas ng kamay.
Aba’y… si Erap ba na kung tawagin ay, “Erap para sa mahirap?” Si Isko ba na kong tawagin ay “batang mahirap?” O si dating Manila Mayor Alfredo S. Lim na kung tawagin ay Ama ng libreng serbisyo?
Nakupo Ka Digong, dapat na isaisip kung sino sa tatlo ang tunay na may nagawa at magagawa pa sa Lungsod ng Maynila.
Aba’y kung pupulsuhan ang sambayanang-Manileño, ayon sa aking pipit-na-malupit, si Erap na nanungkulan ng dalawang termino bilang alkalde ng lungsod ng Maynila, sus ginoo, bokya umano ang mama dahil magpahanggang ngayon ay wala umanong nagawa sa Maynila tulad ni Isko Moreno!
Kaya’t ang biru-biruan…si Erap ay pahirap sa mahirap he he he…kung sabagay.
Sa pag-iikot-ikot ng aking pipit-na-malupit, aba’y nakarinig ito ng isang tinig…at tila isang tinig na pasigaw! Ano ang kaguluhan mga ‘igan? Sus ginoo, ang sigaw ay nagsasabing…isang tunay na Lingkod-bayang Inyong Maaasahan ang nais namin ngayon! Aba’y Ka Digong kahit magpaikot-ikot ka sa Kalakhang Maynila, hindi maikakaila ang ipinatayong dalawang evacuation center para sa masasalanta ng mga kalamidad na ‘di inaasahan.
Report nang aking pipit-na-malupit, ang isa rito’y nasa Delpan at ang isa’y nasa Baseco Compound. Isama mo pa mga ‘igan ang limang ospital na nasa iba’t ibang distrito ng Kamaynilaan. Idagdag pa sa listahan ang mga paaralang ipinatayo, isa para sa high school at isa para sa elementary na nasa Baseco Compound.
At higit sa lahat ay itong Universidad de Manila, para sa mga kabataang pursigidong magtapos sa kolehiyo nang libre. Ang matindi rito mga ‘igan, lahat nang ‘yan ay libre o walang bayad.
Sa mga naipatayong ospital mga ‘igan, libre na ang serbisyo, libre rin ang mga gamot. Sa mga naipatayong paaralan, sus sa totoo lang, libre noon pa kay Mayor Lim ang edukasyon na sa ngayo’y tinatamasa na nang buong bansa.
Ano pa kaya ang hinahanap ni Ka Digong sa isang lingkod-bayan na tiyak na maninilbihan sa bayan? Aba’y wala nang hahanapin pa sa isang tunay na Lingkod-bayang Inyong Maaasahan…LIM ‘ika nga at wala nang iba pa!
Good Luck Mayor LIM, ang “Ama ng Libreng Serbisyo!”

INA NG PULIS-MAYNILA GINULPI
Grabe mga ‘igan, ang sinapit ng isang vendor na si Pearly Ferrer, 48 anyos, nakatira sa San Bartolome St. ng Brgy. 13 Zone 2 District 1, Tondo, Manila, na ina ni PO3 Ferrer ng Manila Police District, sa kamay ng isang umano’y adik.
Sus ginoo!
Ayon sa aking pipit-na-malupit, habang nag-aayos si Aling Pearly ng kanyang paninda sa loob ng kanyang tindahan, walang kaabog-abog na pinasok ni Rowell Carillo, alyas “Owel bukol” na lasing na lasing at agad pinagsusuntok ang mukha ng babae, habang nakatutok sa mukha ang baril. Hanggang mabasag na lamang ang salamin sa mata ng pobreng tinderang si Aling Pearly.
Anak ng teteng mga ‘igan, ibang klase talaga kapag adik ang nangursunada sa ‘yo, walang pipiliin ang mga animal, maging matanda man o bata basta’t sinumpong at umepekto na ang espiritu ng alak sa katawan at isipan sus wala nang hanap kundi ang makapanakit at pumatay.
Ang matindi rito’y kung pumutok ang baril na itinutok umano ni Rowell sa mukha ni Aling Pearly, sus ginoo! Hindi n’yo naitatanong mga ‘igan, may anak pa si Gng. Pearly na isang pulis-Maynila, na ayon sa aking pipit-na-malupit ay si PO3 Ferrer na talaga namang galit sa mga adik.
Paging MPD director S/Supt. Vicente Danao Jr., Sir hindi na maganda itong nangyayari sa kapaligiran, isang katerbang pasugalan at nagkalat na mga adik partikular sa Tondo. Nawa’y mabigyang-pansin ang lumalalang sitwasyon sa nasabing lugar.

BATO-BATO BALANI
ni Johnny Balani

About Johnny Balani

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top