Thursday , April 25 2024

HIV/AIDS law nilagdaan ng Pangulo

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philip­pine HIV and AIDS Policy Act of 2018.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang paglagda ng Pangulo ay  maituturing na napapa­nahon at mahalaga sa harap ng report ng Department of Health (DOH) na nagsa­sabing ang Filipinas ang may pinakamataas na porsiyento ng pagtaas ng mga bagong kaso ng HIV sa Asia Pacific region mula 2010 hanggang 2016.

Pinasalamatan ni Panelo ang mga mambabatas kabi­lang ang mga stakeholders na nagsulong at nagpasa ng panukalang batas para matugunan ang problema ng HIV at AIDS sa bansa.

Umaasa si Panelo na sa pamamagitan ng batas ay mabawasan ang stigma ng mga tao na may taglay na ganitong uri ng karamdaman.

Layunin ng bagong batas na ayusin ang 20 taon nang legal framework sa pagtugon ng gobyerno sa HIV AIDS.

Sa ilalim ng batas, mas malakas na at modernong polisiya na ang gagamitin ng pamahalaan para tugunan ang problemang ito sa ban­sa.

Daragdagan din ang pondo para sa HIV preven­tion, diagnosis at gamutan at kinakailangan ng up to date education hinggil sa HIV at AIDS sa mga eskuwelahan, komunidad, lugar ng trabaho at iba pang mga lugar.

Naitala ng DOH ang 11,103 bagong kaso ng HIV AIDS noong  2017.

 (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

fire dead

Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG

SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa …

Ejay Falcon Alan Peter Pia Cayetano ORIENTAL MINDORO

Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong  
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO

UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang …

PCMC MRI and CT scan Pia Cayetano Bong Go

Cayetano nanguna sa pasinaya  
STATE-OF-THE-ART MRI, CT SCAN EQUIPMENT, ATBP FACILITIES SA PCMC

PINANGUNAHAN ni Senadora Pia Cayetano ang pagbubukas ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) para sa …

Navoteño solo parents cash subsidy

Navoteño solo parents tumanggap ng buwanang cash subsidy

SINIMULAN ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang pamamahagi ng buwanang cash subsidy para sa mga …

drugs pot session arrest

4 arestado sa pot-session sa Valenzuela

SWAK sa kulungan ang apat katao matapos mahuli sa akto ng mga pulis na sumisinghot …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *